Categories: Showbiz

It’s incredible to be next to Popstar Princess — James to Sarah

Share
READ: Direk Joyce, pinuri si Sarah: Kakaiba siya, matutulala ka talaga sa kanya
READ: The Lease, maipalalabas na; Producer, nagka-trauma

”SHE’S a great actress,” turing ni James Reid patungkol kay Sarah Geronimo sa pagsasama nila sa bagong handog ng Viva Films, ang Miss Granny na mapapanood na sa Agosto 22.

“It’s incredible to be next to Popstar Princess on the stage and dito naman sa movie, it’s different kind of performance,” sambit pa ni James. “She can pull off any role, she can plays very well,” ani James ukol sa pelikula na kuwento ng isang malungkot na lolang lampas 70 years old na muling nagkaroon ng kaligayahan nang bumalik siya sa kanyang kabataan matapos magpa-picture sa isang photo studio.

Hindi rin mailarawan ang kasiyahan ni James na natupad ang isang dream niya, ang makatrabaho ang isang Pop Superstar.

“For me, a lot of my dreams have been coming true, I feel really blessed and I’m so grateful to boss Vic (del Rosario of Viva Films) for making everything happened.

Isang apo ang ginagampanan ni James sa Pinoy adaptation sa original version ng feel good/dramedy Korean movie na Miss Granny at idinirehe ni Binibining Joyce Bernal.

Kuwento pa ni James, hindi niya malilimutan ang eksenang pinalo siya ni Sarah sa pwetan habang sila ay nasa bilihan ng bulaklak. ”It was really funny, ang saya.

“It’s a fun movie so the set is very fun. Direk Joyce is very cool… The scenes are very light and fun.”

Nang matanong ang actor kung paano siya naka-relate sa role niya sa pelikula, sinabi nitong, ”The genre is just different. I’m more on hip hop/RnB and he’s (his character sa movie) more on rock.”

Pagkatapos ng Miss Granny, balik music si James at sisimulan na rin niya ang pelikulang Pedro Penduko.

Magkakaroon ng simultenous premiere night ang Miss Granny ngayong Lunes, sa Megamall at Trinoma.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

Bulacan tumanggap ng Sinovac 900 doses (Vaccine rollout nagsimula na)

MATAPOS ang maingat na pagpaplano at pagha­handa para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office… Read More

10 hours ago

Calbayog mayor, 2 police escorts patay sa ambush

HINDI nakaligtas sa pana­nam­bang ng armadong kalalakihan ang alkalde ng Calbayog City, sa lalawigan ng Samar, at ang kanyang dalawang… Read More

10 hours ago

Kitkat sa Happy Time — Walang nakarating na pinababalik ako

ANG daming nagpapadala ng mensahe kay Kitkat Favia para hingan siya ng reaksiyon sa naulat na puwede silang bumalik ni Janno Gibbs sa Happy… Read More

10 hours ago

Concert ni Sarah, mapapanood sa iWantTFC

ISANG pelikulang pagbibidahan ni Ina Raymundo, ang film concert ni Sarah Geronimo, at bagong Pinoy movies ang ilan lamang sa mga bagong… Read More

10 hours ago

Female starlet matindi ang tililing

“STAR tripper”. “Male celebrity obsessed.” Iyan ang bintang ng mga netizen sa isang female starlet na mukhang obsessed kung sino ang sikat… Read More

10 hours ago

Pang-uusig ng netizens kay Julia umigting

MAUSO rin kaya rito sa atin ang parang in ngayon sa South Korea na pang-uusig sa Korean idols na pambu-bully… Read More

10 hours ago