Categories: Showbiz

Direk Joyce, pinuri si Sarah: Kakaiba siya, matutulala ka talaga sa kanya

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>
READ: It’s incredible to be next to Popstar Princess — James to Sarah
READ: The Lease, maipalalabas na; Producer, nagka-trauma

MARAMI na ang humanga sa ganda ng trailier ng pinakabagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Pinoy adaption ng South Korean blockbuster hit, ang Miss Granny.

Kung na-inlove at nagustuhan na ito ng viewers, ganoon din ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo na pinakabida at ginagampanan ang karakter ni Audrey, ang pinabatang karakter ng 70-anyos na si Fely (Nova Villa).

Kinailangang baguhin ni Sarah ang hitsura niya para umakma sa panahon ng isang pensyonadang lola na bumalik sa edad 20 matapos magpalitratas a isang magical photo studio.

“In love na in love po ako sa fashion ng ‘Grany’, anang dalaga na bumili pa pala ng mga damit na ganoon ang estilo. ”Walang masyadpng ipinakikita, pero sexy at disente, ang ganda-ganda talaga,” masayang kuwento pa ng aktres.

Nasabi pa ng Pop Royalty na close to home ang Miss Granny sa kanya dahil pareho silang music lover at makapamilya.

“Na-enjoy ko po ang journey ko sa paggawa ng pelikula dahil family oriented—tungkol sa mag-ina, mag-lola, at singer pa. Parang kaunti na lang, maniniwala na ako na ako si Miss Granny,” giit pa ng aktres.

Pinuri rin ng dalaga ang kanilang director na si Bb. Joyce Bernal dahil magaan itong katrabaho. Kasama niya si direk Bernal na nagtungo sa  Home for the Aged para mas makuha o maaral ni Sarah ang tamang pag-arte ng isang may edad na.

Kuwento ni Sarah, nakaramdam siya ng lungkot nang magtungo sila roon dahil nakita niya iyon sa mga mata ng matatanda.

“Kahit sinasabi nila na okey sila, maayos ang kalagayan nila roon, may mga activity silang ginagawa, kumakain sa ganitong oras, nakikita ko pa rin ang lungkot sa kanilang mga mata,” kuwento pa ng dalaga.

Ibinuking naman ni Sarah na si Nova ang pinaka-peg niya sa pagganap sa karakter ni Audrey.  Mula sa depth nito, pagsasalita, paggalaw, hanggang sa facial expression. At sinubukan niyang ilapit ang sarili na hindi nawawala ang sariling marka.

Nagawa namang mabuti ni Sarah kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kanilang director na si Bb. Joyce.

Bumuwelta naman si Bb. Joyce at sinabing kakaibang Sarah ang nakita niya sa pelikula dahil kapag humarap na ito sa tao’t kamera, tiyak na matutulala ka.

Bukod sa retro na mga damit, ayos ng buhok at make-up, retro rin ang ilang kanta na kasama sa original soundtrack ng Miss Granny. Ilan dito ay ang Kiss Me Kiss Me, Rain, at Forbidden Love.

Mapapanood na ang Miss Granny Agosto 22.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

25th Asian TV Awards Festival Opens Call for Entries

After the success of this year’s first-ever Manila-hosted 24th Asian Television Awards (ATA) last January 10 to 12 at Resorts… Read More

11 hours ago

Divina Valencia handang magpaluwal sa DNA Test para kina John Regala at sa hindi kinikilalang anak na lalaki sa isang Japayuki

DURING her prime ay isa sa malapit na kaibigan ni Divina Valencia, sa showbiz ang kamamatay na si Ruby Regala,… Read More

11 hours ago

Matt Evans, dumaraan sa mga pagsubok

MARAMING malapit kay Matt Evans ang nalungkot sa pagkakaaresto sa actor kamakailan. May kauganayan ito sa kasong Republic Act 9262… Read More

11 hours ago

Allen Dizon, patuloy sa paghakot ng awards sa pelikula at telebisyon

PATULOY sa pagratsada ang award-winning actor na si Allen Dizon sa paghakot ng acting awards. Maging sa role man na… Read More

11 hours ago

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa… Read More

19 hours ago

Residente ng SJDM City nangamba sa lockdown

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga-taga San Jose Del Monte City sa napipintong lockdown na ipapatupad ng lokal na pamahalaan pinamumunuan… Read More

19 hours ago