Categories: Showbiz

Marion Aunor, patuloy sa paghataw sa music scene!

Share
https://www.hatawtabloid.com/wp-content/uploads/2020/07/00-TioPaengs-widget.jpg"data-block-on-consent>
READ: Aitakatta-Gustong Makita debut single ng MNL48, mapapakinggan na!

KASALUKUYANG humahataw sa takilya ang The Day After Valentine’s. Ito ang entry nina Bela Padilla at JC Santos sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanood hanggang August 21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Maganda ang pelikulang ito ni Direk Jason Paul Laxamana, na mas lalo pang gumanda sa theme song nitong Akala na si Marion Aunor ang kumanta at nagsulat.

Swak na swak ang nilik­hang kantang ito ni Marion, pati na ang rendition niya sa peli­kulang ito nina Bela at JC.

Unang dinig pa lang namin sa Akala ay sinabi na agad namin kay Marion na may bagong winner na naman siyang nilikha.

Sa panayam namin kay Marion recently, nala­man namin na pati si Xian Lim ay ginawan din niya ng kanta. Pinama­gatan itong Heto Na, na magkakaroon ng laun­ching sa August 17 at magiging available sa digital stores.

Inusisa namin siya kung paano ide-des­cribe ang kantang Heto Na?

Wika ni Marion, “It’s about finding love after giving up on love. So, parang gigisingin na niya ulit ‘yung puso niya dahil nahanap na niya ‘yung tamang person na para sa kanya.”

Ano ang masasabi niya kay Xian? “Very talented po si Xian and very down to earth during the whole process,” nakangiting saad ni Marion.

Nalaman din namin sa kanya na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez ang wish niyang susunod na magawan ng kanta.

Ipinaliwanag ni Marion kung bakit, “I admire them both. Si Ms. Regine, since grade school pa lang ako fan na po ako. Si Ms. Sa­rah naman po parang Be­yonce ng Philippines. Ang galing po niya and ang pag-evolve ng music niya.”

So, mag-e-effort o magla­laan ka ba ng time para magawan mo ng kanta sina Sarah and Regine?

“Kung mabibigyan po ng opportunity siyempre po mag-effort po ako para makasulat ng best song that I can for them. Siguro po, kung meant to be na­man po iyon, mangyayari po iyan,” masayang saad ng talen­ted na singer/songwriter.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

25th Asian TV Awards Festival Opens Call for Entries

After the success of this year’s first-ever Manila-hosted 24th Asian Television Awards (ATA) last January 10 to 12 at Resorts… Read More

12 hours ago

Divina Valencia handang magpaluwal sa DNA Test para kina John Regala at sa hindi kinikilalang anak na lalaki sa isang Japayuki

DURING her prime ay isa sa malapit na kaibigan ni Divina Valencia, sa showbiz ang kamamatay na si Ruby Regala,… Read More

12 hours ago

Matt Evans, dumaraan sa mga pagsubok

MARAMING malapit kay Matt Evans ang nalungkot sa pagkakaaresto sa actor kamakailan. May kauganayan ito sa kasong Republic Act 9262… Read More

12 hours ago

Allen Dizon, patuloy sa paghakot ng awards sa pelikula at telebisyon

PATULOY sa pagratsada ang award-winning actor na si Allen Dizon sa paghakot ng acting awards. Maging sa role man na… Read More

12 hours ago

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa… Read More

19 hours ago

Residente ng SJDM City nangamba sa lockdown

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga-taga San Jose Del Monte City sa napipintong lockdown na ipapatupad ng lokal na pamahalaan pinamumunuan… Read More

19 hours ago