Thursday , March 28 2024

Angelika, sinalubong ng mala-landslide na basura

MAY 2018 barangay elections results-wise ay landslide ang nakuhang tagumpay ni Kapitana Angelika de la Cruz sa Malabon laban sa kanyang nakatunggali.

Ngunit wari’y hindi rin napagtanto ng aktres na mistulang landslide rin pala ang mga basurang itinambak sa isang bayan nito lalo’t kasagsagan ng matinding ulan kamakailan.

Natural lang na may gawing aksiyon si Angelika, isang seryosong problema nga naman ang pagbaha dulot ng pesteng basurang walang habas na itinatapon na lang ng ating mga kababayang kulang sa disiplina.

Matatandaang kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagtapon ng kanyang bansa ng basura sa paligid ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela). Ito ang tiyak na salarin kung bakit nag-aalboroto ang mga punongbayan sampu ng mga opisyal ng barangay sa mga lugar na ito.

Hindi lang kalusugan ng tao ang nasa bingit ng peligro mula sa waste materials na ito na nagsisilutangan kapag malakas ang ulan. Nariyan din ang panganib bunga ng leptospirosis mula sa ihi ng mga daga na humahalo sa tubig-baha.

Bagama’t malawak ang perhuwisyo ng baha—hindi lang sa nasasakupan ni Kap. Angelika—malaking bahagi nito’y isinisisi sa mga nakaraang administrasyon tulad ng kay dating Pangulong Noynoy.

Mahalagang malaman ng bawat mamamayan na anuman ang iyong itinapon ay tiyak na babalik din sa iyo. What you sow is what you reap lang, ‘ika nga ang peg.

Ito ang aral na natutuhan ng bansang Indonesia na ang isang ilog doon na umaapaw sa basura ay ini-rehabiltate nila. Sa atin, kaunting ulan lang ay mistulang ilog na ang buong kapaligiran.

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Moira dela Torre

Moira inaming naging bulimic sa loob ng 2 taon

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Moira dela Torre para sa mga taong kasalukuyang nagdurusa dahil …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul mag-ilaw kayang muli kasama si Mikee sa Good Friday procession?  

I-FLEXni Jun Nardo MADALAS naming nakikita at nakaka-chikahan si Mikee Quintos tuwing Biyernes Santo. Eh kahit nakatira …

DingDong Dantes Marian Rivera Zia Sixto

Marian excited sa biyahe ng kanilang pamilya 

I-FLEXni Jun Nardo KOMPLETO na ang pamilya Dantes (Dong, Marian, Zia, at Sixto) na biyahe nila sa ibang bansa …

blind item

Magsyotang lesbiyanang sexy model at GF wasak planong utuin ang DOM

ni Ed de Leon NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa …

Tom Rodriguez Carla Abellana

Carla wa ker umibig mang muli si Tom

HATAWANni Ed de Leon AYAW daw magbigay ng ano mang reaksiyon si Carla Abellana sa sinasabi ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *