Categories: Showbiz

Gladys at Imee, malapit sa isa’t isa

Share

BAWAL sa mga Kapatid natin sa INC na pumasok sa politika o mag-endoso ng isang politiko, kaya huwag sanang bigyan ng kakaibang kahulugan ang presence ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa isang event na may larawan pa sila ni Gladys Reyes.

Dahil naging panauhin ni Gladys si Imee sa kanyang programang Moments (sa Net 25) ay doon na nagsimula ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Pinaunlakan ni Imee ang paanyaya ni Gladys na siya ang mag-cut ng ceremonial ribbon nang pasinayaan (nitong July 31) ang Estela Restaurant, na pag-aari ng kanyang kabiyak na si Christopher Rojas at lima pang kasosyo.

Si Gladys ang may hawak ng PR at marketing side ng kabubukas pa lang na resto sa Brickroad, tapat ng Sta. Lucia East sa Cainta, Rizal.

It is of interest to note na ang kitchen consultant cum chef ng Estela ay ang character actor na si Victor Neri, dating nakasama ni Christopher sa Ang TV noon ng ABS-CBN.

At take note, may isang house specialty sa Estela na nagmula sa idea ng panganay nina Christopher at Gladys na si Christophe. Patok ito sa mga bagets at bongga ang serving.

Bilib din naman kami sa pinagkukunan ng physical energy ni Gladys. She’s one who wears many hats, ‘ika nga.

Bukod sa pag-arte ay sabay-sabay niyang nagagampanan ang pagiging MTRCB board member, businesswoman via her Gladys Skin Care (sa tulong ng kanyang kapatid na si Janice), maybahay ni Chris at ina ng apat na magaganda’t malulusog na supling.

(RONNIE CARRASCO III)

Ronnie Carrasco III

Published by
Ronnie Carrasco III

Recent Posts

OK Mister Bond suwerte sa numero uno

NAGLALABAS ng buti ang kabayong si Batang Arrastre kapag naisasali siya sa gabi o malamig na panahon kung kaya’t nakitaan… Read More

2 hours ago

Warriors namumuro sa West

IPINAKITA ng defending champion Golden State Warriors na kaya nilang manalo kahit wala si Kevin Durant. Kumayod si Dray­mond Green… Read More

2 hours ago

OFWs na lumahok sa mid-term elections pinasalamat ng DFA

MASAYANG pinasalamatan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretaty Teodoro “Teddy” Locsin Jr.,  ang lahat ng mga tauhan ng mga… Read More

2 days ago

Grace Poe, nagpasalamat sa malaking panalo

NANGUNGUNA sa lahat ng survey si Senadora Grace Poe kaya maraming nagulat at nagtaka kung paano siya nalagpasan ni Senadora… Read More

2 days ago

Guminhawa sa Krystall herbal oil

Dear Sister Fely, Ako po si Herminia Bulaong, 60 years old, taga Dasmarinas Cavite. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol… Read More

2 days ago

May mahika nga ba sa senatorial elections?

WASTONG imbestigahan ng Kongreso ang mga naitalang katakot-takot na aberya sa vote counting machines (VCM) at secure digital (SD) cards… Read More

2 days ago