Categories: Showbiz

Mocha, kapit-tuko sa puwesto

Share

SA kabila ng nakabibinging panawagan na magbitiw na siya sa kanyang puwesto ay mukhang malabo itong gawin ni PCOO ASec Mocha Uson.

Obviously, bunsod ito ng paraan ng kanyang info drive tungkol sa pederalismo sa pamamagitan ng kanyang online game show. Tinuligsa ang “pepe-dede-ralismo” campaign nila ng blogger na si Andrew Oliver.

Mga kaalyado na rin ng Duterte administration ang nagsalita. Maging ang mga senador ay lantarang binatikos ang pambababoy ni Mocha sa isa pa manding maselan at seryosong usapin.

Layas!” ang mariin nilang sigaw kay Mocha na sa halip na maging asset sa gobyerno ay maituturing na isang liability.

Matagal na ang panawagang ito even before her online campaign drive. Sapat na ang pagpapalaganap niya ng mga pekeng balita at—ipagpaumanhin n’yo—ang serye ng mga kabobohang nagdudulot lang ng kahihiyan kay Juan de la Cruz.

Pero sadya yatang kapalmuks si Mocha. Wala kasi ni sa kanyang hinagap na pasayahin ang mga taong gusto siyang bumaba sa puwesto.

Kapit-tuko pa rin siya sa puwesto.

Nasaan ang delicadeza ng hitad na ito? For sure, nasa talampakan niya ito na siya mismo ang nakatapak.

Kung kami kay Mocha ay tutularan namin ang ilang nasa gabinete ni Pangulong Digong.

Nariyan si dating DOJ Vitaliano Aguirre na hindi na nagmatigas nang paulanan ng mga batikos tungkol sa mga umano’y bigtime drug lord na napawalang-sala.

Nariyan din si dating Tourism Secretary na si Wanda Teo at tauhan nitong si Cesar Montano na boluntaryong nag-resign bunsod ng mga umano’y katiwalian sa kanilang ahensiya.

Pero dahil kapalmuks nga ang dating malaswang entertainer, ang napipintong pagbibitiw niya ay mukhang mananatiling isang panaginip lang. Asa pa tayo?

Pero sa amin, yaman din lang na in-appoint lang siya ni Pangulong Duterte ay ito rin ang may kapangyarihang magpatalsik kay Mocha.

Opo, mahal na President, kayo at tanging kayo lang ang makapangyayari nito dahil ang mga katsipang pinaggagagawa ng inyong itinalaga sa puwesto—gayong hindi naman ito karapat-dapat at kuwalipikado—ay isang malaking batik sa inyong pamunuan sampu ng inyong mga kaalyado.

Tama na ang katsipan. Sobra na ang kababuyan. Palitan na si Mocha Uson.

Now na, utang na loob!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Ronnie Carrasco III

Published by
Ronnie Carrasco III

Recent Posts

LausGroup founder 2 pa, patay sa bumagsak na chopper

NAMATAY ang chairman at founder ng LausGroup of Company nang bumagsak ang pribadong helicopter na kanilang sinasakyan sa isang fishpond… Read More

9 hours ago

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1… Read More

9 hours ago

Mag-uutol na huli sa droga itinurong kaanak ng 2 kandidato sa Taguig City

TATLONG magkakapatid na natimbog sa Taguig dahil umano sa pagbebenta ng droga sa mismong tahanan ang itinuturong kamag-anak umano ng… Read More

9 hours ago

‘Human trafficking’ sumambulat sa pagyanig ng Clark Int’l Airport

HINDI lang ang kahinaan ng estruktura ng Clark International Airport (CIA) ang nabuyangyang sa publiko nang pabagsakin ng magnitude 6.1… Read More

9 hours ago

Brownout sa halalan, pinangangambahan ng MKP

MALAKI ang pagdududa ng Murang Kur­yente Partylist (MKP) sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi mawa­wala… Read More

10 hours ago

Sa buy bust ops… Mister, huli sa bala’t shabu

SWAK sa kulungan ang isang mister na sangkot sa ilegal na droga at sa ilegal na pagbebenta ng mga bala ng… Read More

10 hours ago