Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, handa nang magka-baby
Anne, handa nang magka-baby

Anne, handa nang magka-baby

ISANG bagay ang tiniyak ni Anne Curtis, matutuloy na ang kanilang honeymoon ni Erwan Heusaff pagkatapos ng kanyang ika-21 anniversary concert.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong November 12, 2017 sa Thurlby Domain, Queenstown, New Zealand.

“After this concert, I think mas kaunti na ‘yung schedule ko. It will be more on ‘Showtime’ na lang muna ang hihingin ko and then, of course we will go on our honeymoon in November,” pahayag ng aktres.

READ MORE:  Aurora ni Anne, hindi basta-basta mananakot

Excited na ang dalawa sa kanilang honeymoon sa South Africa. Anang aktres sa interview ng pep.ph”We’re very excited because it will be a long leave kasi one year bago mag-honeymoon, pinagbigyan niya ako, so I will give this to him naman.” 

Inamin ni Anne na talagang swak silang dalawa bilang mag-asawa, ”He’s very understanding. He’s also a very busy person pero I think that’s just who Erwan is. He’s a very, very understanding man and he supports my career. Just the same, I support him, that’s why we match and we really just hit it off ‘coz we support and understand each other so nagwo-work talaga,” masaya nitong pahayag.

READ MORE:  Money is the root of all evil!

Sa puntong ito, maraming naniniwala na handa nang magbuntis ang aktres at maging ina base sa tsikang noon pa siya kinukulit ni Erwan na gumawa sila ng baby. Ito na ang pagkakataon para mabuntis siya na puwedeng mangyari sa kanilang honeymoon.

READ MORE:  Jodi, muling nag-top sa klase

ni Alex Datu

READ: Sue, ‘di nagpapaligaw sa text
READ: Boots, nakikipagpalitan ng sweet messages sa text
READ: Joey Marquez, tanggap maging manugang si Mark

 

 

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved