Categories: Sports

Mini-reunion sa ensayo ng National Team

Share

NAGKAROON ng mini reunion ang mga dating players ni coach Yeng Guiao at Rain or Shine noong Lunes ng gabi sa unang ensayo ng Philip­pine Team.

Naghahanda ang Philip­pine team sa pag­sabak nila sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa Agosto 18-Setyembre 2.

Swak ang anim na Rain or Shine players sa team, kasama sina Magnolia guard Paul Lee at TNT KaTropa cager Don Trol­lano sa mga napili sa 14-man pool para sa Asiad.

Last-minute binuo ang team matapos lumiwanag ang pag-iisip ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magpadala ng team sa nasabing continental meet.

“It felt like a reunion for a lot of guys,” saad ni national team veteran at Elasto painters forward Gabe Norwood.

Ayon kay former RoS player Lee, na masaya siya dahil muli silang magkakasama ng kanyang dating mentor na si Guiao.

“Matagal kaming magkasama halos siya (Guiao) ang naging coach ko sa PBA,” ani Lee.

Bukod kay Norwood ang ibang RoS members na sinalpak ni Guiao sa national team ay sina James Yap, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Beau Belga at Raymond Almazan.

Dating bataan din ni Guaio si Don Trollano na ngayon ay nasa TNT. Ang ibang nasa line-up ay sina Stanley Pringle ng GlobalPort, Poy Erram ng Blackwater, Christian Standhardinger ng San Miguel at Asi Taulava ng NLEX, kasama sina Gilas cadets Kobe Paras at Ricci Rivero.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Arabela Princess Dawa

View Comments

  • Hello there,

    My name is Aly and I would like to know if you would have any interest to have your website here at hatawtabloid.com promoted as a resource on our blog alychidesign.com ?

    We are in the midst of updating our broken link resources to include current and up to date resources for our readers. Our resource links are manually approved allowing us to mark a link as a do-follow link as well
    .
    If you may be interested please in being included as a resource on our blog, please let me know.

    Thanks,
    Aly

Published by
Arabela Princess Dawa

Recent Posts

Bakasyon naunsiyami… Ex-Omb Morales ‘di pinayagan makapasok sa HK

PINASAKLOLOHAN ng Palasyo si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hinarang ng Immigration authorities sa Hong Kong. Batay sa ulat, hindi… Read More

7 hours ago

Gustong mamakyaw ng puwesto? NYC Chair Ronald Cardema baka makadena sa karma

IBANG klase rin talaga itong si National Youth Commission (NYC) Ronald Cardema. Para siyang adik na haling na haling puwesto.… Read More

8 hours ago

BI NAIA T-1 TCEU laging alerto!

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang human… Read More

9 hours ago

Gustong mamakyaw ng puwesto? NYC Chair Ronald Cardema baka makadena sa karma

IBANG klase rin talaga itong si National Youth Commission (NYC) Ronald Cardema. Para siyang adik na haling na haling puwesto.… Read More

9 hours ago

Janine, suki ng aksidente

HALOS nangangalahati pa lang ang taon pero two times ng naaksidente si Janine Gutierrez. Sa taping ng Dragon Lady noong… Read More

19 hours ago

Valentina role, ibibigay kay Pia

ISA ang pangalan ni Pia Wurtzbach na matunog para mag-Darna! “Nasaan ang bato,” ang reaksiyon ng manager ni Pia na… Read More

19 hours ago