Thursday , October 9 2025

6% GDP Palasyo deadma

WALANG pakialam ang Palasyo kung tuluyang bumagsak ang gross domestic product (GDP) ng bansa dahil sa pagpa­pahalaga ng administrasyong Duterte sa kali­kasan.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Presidential Spokes­man Harry Roque kasunod nang mabagal na paglago ng ekonomiya na umabot lamang sa anim porsiyento sa second quarter ng 2018 o mas mababa sa 6.6% sa first quarter ng kasalukuyang taon.

Ang GDP ay kumaka­tawan sa lahat ng pro­dukto at serbisyo na ginawa sa loob ng ating bansa.

“If GDP will further fall because of the desire of the President to protect the environment, so be it. We’re investing in the future and not just in the present,”  ayon kay Roque.

Tinukoy ni Socio­economic Planning Secre­tary Ernesto Pernia ang sanhi ng slowdown sa pagsasara sa Boracay at mga regulasyon sa sektor nang pagmimina.

Paliwanag ni Roque, hindi binubuo ng admi­nis­trasyong Duterte ang polisiya base lamang sa ekonomiya at kailangan din gamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan na bigyan proteksiyon ang kalika­san.

“He (Duterte) has given further priority—higher priority to the protection of the environ­ment – and he makes no apologies for it,” aniya.

Naniniwala si Roque na hindi dapat ikabahala ang 6% GDP dahil malaki pa rin ito.

“Of course, we’re also saddened by the fact that we failed to meet targets. We will do everything to meet them; if we don’t, we’ll find out why and we’ll try to achieve the further targets for the rest of the year,” sabi ni Roque.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia BBM

Paninindigan ni Marcos laban sa korupsiyon pag-asa ng bayan — Goitia

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa …

PUV stops Marikina DOTr

2 PUV stops itinayo sa Marikina ng DOTr

BINUKSAN na para sa publiko ang dalawang public utility vehicle (PUV) stops sa Barangay Concepcion …

BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

Panganib sa mga magulang at mag-aaral:
BUWIS-BUHAY NA TAWID-ILOG PATUNGONG PAARALAN SA ANTIPOLO

ni TEDDY BRUL PATULOY na nalalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga magulang …

SM Cinema Pulilan LGU senior citizens

SM Cinema nakipagkasundo ng pakikipagtulungan sa Pulilan LGU, nag-alok ng libreng movie screening sa mga senior citizens

Sa oras para sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nakipagkasundo ang SM Cinema ng pakikipagtulungan …

Quezon City QC

4 proyekto ng QC-LGU na nakuha ng Discaya companies winakasan na

TINULDUKAN na ng Quezon City local government unit (QC LGU) ang apat na proyekto na …