Categories: Showbiz

The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB

Share
READ: Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano
READ: Dahilan ng pagkalugi ng mga pelikula, isiniwalat ni Diño

ISANG taon matapos ang kanilang matagumpay na unang tambalan sa blockbuster movie na 100 Tula Para Kay Stella, muling magtatambal ang Primetime TV Gem na si Bela Padilla at ang Kapamilya Primetime Actor na si JC Santos,  sa The Day After Valentine’s, isang kakaibang kuwento ng pag-ibig nula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Ang The Day After Valentine’s ay isa sa walong official entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino na magbubukas na sa lahat ng sinehan nationwide simula sa Agosto 15.

Sa The Day After Valentine’s, ginagampanan ni Bela ang papel ni Lani, isang simpleng dalaga na mahilig sa”broken things” at Baybayin, ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pinoy. Si JC naman ay gumaganap bilang si Kai, isang binatang nahihirapang mag-move on sa kanyang past relationship. Nagtagpo sila sa isang ‘di inaasahang pagkakataon, at dahil nga click sila, napagpasyahan nilang lumabas at gumimik ng Valentine’s day.

Kompara kina Fidel at Stella ng 100 Tula, mas komplikado ang karakter nina Kai at Lani sa The Day After Valentine’s.

Ayon kay Bela, mare-realize mo sa pelikulang ito ang katotohanang “masakit ang magmahal.”

Sa isang panayam naman kay JC, sinabi nitong mas rewarding ang muling pagtatambal nila Bela kasama ni Direk Jason, na siya ring sumulat at nagdirehe ng kanilang unang tambalan.

Aniya, ito marahil ay resulta ng undeniable chemistry at friendship na nabuo habang ginagawa nila ang 100 Tula,na siyang ring nag-uwi ng Audience Choice Award sa unang edisyon ng PPP.

Kinunan ang ilang bahagi ng The Day After Valentine’s sa napakagandang isla ng Hawaii na tiyak magdaragdag ng kakaibang mood at vibes sa screen. Dagdag pa rito ang heart-tugging soundtracks na kinabibilangan ng Akala ni Marion Aunor, Taguan ni John Roa, Pag-ibig Lang ng The Juans, Feel nina Jameson Tenorio at Ian Ancajas, at For the Rest of My Life ni Bela.

Ito’y prodyus ng VIVA Films at rated PG ng MTRCB at Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Mapapanood na ito sa lahat ng sinehan nationwide simula ngayong August 15.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Maricris Valdez Nicasio

Published by
Maricris Valdez Nicasio

Recent Posts

Dating sexy star milyonarya na… Maye Tongco gustong magbalik-showbiz

NAKA-CHAT namin recently ang isa sa may pinakamagandang mukhang sexy star noong early 2000 na si Maye Tongco na nakilala… Read More

3 days ago

“Halik” ayaw bitiwan ng televiewers

MAS matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho Rosales), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace… Read More

3 days ago

Capital, educational assistance palalawakin ni Erap

PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling… Read More

3 days ago

Welder sinaksak ng kabaro todas

PATAY ang isang welder matapos saksakin ng kapwa welder makaraan ang mainitang pagtatalo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.… Read More

3 days ago

Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisu­long ang… Read More

3 days ago

Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon

DAPAT kaalyado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehis­latura… Read More

3 days ago