Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Nat’l ID tatapos sa bureaucratic red tape
Nat’l ID tatapos sa bureaucratic red tape

Nat’l ID tatapos sa bureaucratic red tape

IKINATUWA ni Senador Sonny Angara ang pag­lag­da ni Pangulong Rodri­go Duterte sa National ID System upang maging ganap na batas sa bansa.

Naniniwala si Angara na ang National ID Sys­tem ang tatapos sa bureau­cratic red tape na nagpapahirap sa ating mga kababayan kung kaya’t pumapalpak ang serbisyo ng gobyerno sa taong bayan.

Paliwanag ng Sena­dor, kapag may National ID na ang isang indibi­duwal, hindi na siya ma­hihirapan pumasok sa anomang transaksiyon tulad ng pagkakaroon ng bank accounts, SSS number, Philhealth at iba pang transaksiyon.

Dagdag ni Angara, dahil sa National ID System ay sasabay na ang Filipinas sa mga maun­lad na bansa na mayroon din kahalintulad na sis­tema na nagpapadali sa mga transaksiyon at sa mga serbisyo ng gob­yerno.

Isa si Angara sa may akda ng Philippine Iden­tification System Act.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top