Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Adrianna, excited mapasali sa Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino
Adrianna, excited mapasali sa Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino

Adrianna, excited mapasali sa Cinemalaya at Pista ng Pelikulang Pilipino

READ: School Service ni Ai Ai delas Alas successful ang Gala Night

MAGKASUNOD ang filmfest na kasali ang pelikula ni Adrianna So. Mapapanood si Adrianna sa pelikulang Distance starring Iza Calzado, Nonie Buencamino, Therese Malvar at iba pa. Uma­arangkada na ngayon sa CCP at sa ilang piling sinehan ang Cinemalaya entry na ito mula sa pamamahala ni Direk Perci Intalan.

Kasali rin ang aktres sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino at entry naman niya rito ang Ang Babaeng Allergic Sa Wifi na pinagbibidahan nina Sue Ramirez, Jameson Blake, Angel­lie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, at intro­ducing si Markus Paterson. Ito ay hatid ng Cignal Entertainment, Octobertrain Films, at The IdeaFirst Company, ito’y mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Ipinahayag ni Adrianna ang excitement sa pagkakataong natamo na magkaroon ng entry sa naturang back to back filmfest. “Actually excited ako, kasi bukod dito sa PPP, may Cinemalaya pa ako, kasama rin kasi ako sa Distance ni Direk Perci Intalan.”

Isa sa kakaibang ginawa niya sa Distance ang kissing scene nila ni Therese. Pero part lang daw ito ng trabaho nila bilang artista. ”I’m good naman with kissing scene, okay lang ako kahit ano. Actually, dapat mas maingat ka pa nga kapag ganoon, e,” saad ni Adrianna.

Bago ang dalawang ito, napanood si Adrianna sa mga pelikulang The EscortI Love You To Death, at Die Beautiful.

Tinanong din namin si Adrianna sa role niya sa movie ni Sue. Esplika ng aktres, “I play the role of Margaux, friend siya ni Norma which is played by Sue, at the same time marami siyang insecurities sa sarili.

“Kinda mahaba iyong role ko rito. Pero, love ko ‘yung movie, maganda kasi ‘yung istorya. As in sobrang gan­da. Love story siya, actually para sa akin ay nakakaiyak siya. Ang approach ng movie ay nakakaiyak, e,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top