Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga
Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga

Pagpuputol ng puno ni Diego, inintriga

READ: Naudlot na honeymoon nina Anne at Erwan, haharapin na

TUMULONG lang mag-ayos ng kanilang garden si Diego Loyzaga, inintriga pa siyang nagpuputol ng puno. Ipinaliwanag naman ni Diego na hindi nila pinapatay ang puno, inaalis lang iyong hindi magandang sanga para tubuan ng mga bagong usbong. Natural na ginagawa iyon eh para mas lumago ang puno. Eh iyon namang nakakita lang ng pictures, nakialam agad.

READ MORE:  Gerald at Zanjoe, ‘nagtapat’ sa court

Ang totoo, sinasa­mantala nila ang ulan, sabi naman ni Teresa Loyzaga, para maitanim iyong iba pang mga fruit trees na gusto nilang itanim. Kung namumunga nga naman ang mga puno mas pakikina­bangan. Binabawasan   lamang ang isang puno ng ipil-ipil para magbigay daan nga roon sa mga punong namumunga na itatanim na nila.

READ MORE:  Dingdong Dantes, ganadong-ganado sa Sid & Aya

Kaso nga, iyong mga wala namang kamalay-malay kung ano ang ginagawa nila sa loob na ng bakuran nila, nakita lang sa social media nakialam na. Iyan ang hirap minsan sa iba eh. Akala nila maaari na nilang pakialaman ang buhay ng may buhay. Iyan ang hindi namin ginagawa sa lehitimong media. Hindi kami nanghihimasok sa bakuran ng may bakuran. Hindi kami nakikialam kung hindi naman namin alam talaga kung ano ang gusto mangyari ng tao sa sariling buhay niya. Hindi kami iyong may feeling na pati yata pag-utot ng kapwa niya tao akala niya alam niya.

READ MORE:  Marian, certified Flopsina Queen!

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved