Categories: Opinion

NCR heightened alert: Malabon police nalusutan ng ‘bandido’

Share

Marami-rami nang oplan ang ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) para masugpo ang riding-in-tandem hindi lang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa pero sadyang may mga  nakalulusot pa rin na grupo ng masasamang ele­mento.

Bagaman, sa oplan marami na rin nadadakip at may napapatay na masasamang elemento. Mas pinili kasi nila ang manlaban sa mga operatiba kaysa sumuko.

‘Ika nga, hindi raw sila pahuhuli nang bu­hay.

Pero sa kabil nang maraming napapatay maka­raang manlaban (daw) hindi pa rin nagiging dahilan ito sa tandems para tigilan ang kanilang operasyon – mangholdap, pumatay o “gun for hire,” magtulak ng droga at iba pa.

Dahil wala nang pinipiling oras ang mga tandem, kahit mataas pa ang   araw ay  nag-papatupad na ng oplan sita ang PNP.  Hindi tulad noon, sa gabi lang ang mga checkpoint.

Madalas kasing pagkagat ng dilim kumakana ang masasamang elemento.

Nitong nakaraang buwan, inilunsad ng PNP ang pinakahuling kampanya laban sa tandem – ang “clean riders sticker.”

Pagpapaskil ng PNP ng sticker sa mga motorsiklo.

Kapag wala raw sticker mula sa PNP ang isang motorsiklo, malalagay sa “suspicious alert” ang sasakyan. Sisitahin ang driver hanggang sa dokumento ng motorsiklo.

Pero kapag mayroong sticker palalagpasin  sa checkpoint o kung sitahin man ay kaunting tse­tse-boretse ang mangyayari.

Meaning, hindi kalaban ang sakay ng motor­siklo kapag may sticker. Paano naman ninyong masisiguro ito?

Anyway, in fairness sa PNP na pinamu-munuan ni Dir. Gen. Oscar Albayalde,  ta­lagang ginagawa ng ahensiya ang lahat para sa seguridad ng mamamayan.

Pero sa kabila ng lahat, sadyang nalulusutan ang pulisya.

Ano ang ibig sabihin nito, nagpapabaya ang PNP? Hindi epektibo ang kampanya laban sa kriminalidad? Hindi epektibo ang pinakahuling estilo, ang clean rider stickers?

Ang masasabi natin diyan, alinman sa mga nabanggit ay mali dahil hindi naman nagpapabaya ang PNP.

Lamang, nakalulungkot ang nangyari nitong weekend sa Malabon City. Tumira na naman ang tandem o gun for hire. Nagawa nilang malusutan ang mga nakakasang checkpoint sa kabila na nakaalerto ang Metro Manila dahil sa pag-atake ng mga terorista sa Mindanao sa pamamagitan ng “car bomb.”

Sa kabila ng pagkaalerto, nalusutan ang mga inilatag na checkpoint ng Malabon City Police.

Napatay ng tandem si SPO2 Rodolfo Cruz Jr., nakatalaga sa Manila Police District at residente ng lungsod nitong August 5 sa Parking Lot ng Cockpit Arena sa Don Basillo Bautista Boulevard, Barangay Dampalit, Malabon City nang pag­babarilin ang biktima sa kanyang sasakyang Toyota Fortuner.

Nang mapatay ang pulis, tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

Sinuwerte naman.ang kasama ng biktima na si  SPO1 Elmer I Barola (retired), at nakaligtas. Kunsabagay, hindi naman siya ang target.

Hindi naman natin sinasabi na pabaya ang Malabon police pero, paano nakalusot ang tandem? Naka-heigthened alert ang Metro Manila, hindi po ba? Ba’t nalusutan ang Malabon police?

Paano na kaya kung terorista ang dalawa at ang pinasabog ang cockpit? Malamang na marami ang napatay. Sino ba ang hepe ng pulisya sa Malabon?

NCRPO acting chief, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, tila pa-easy-easy lang yata ang Malabon Police.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

Almar Danguilan

Published by
Almar Danguilan
Tags: pnp

Recent Posts

Dating sexy star milyonarya na… Maye Tongco gustong magbalik-showbiz

NAKA-CHAT namin recently ang isa sa may pinakamagandang mukhang sexy star noong early 2000 na si Maye Tongco na nakilala… Read More

3 days ago

“Halik” ayaw bitiwan ng televiewers

MAS matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho Rosales), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace… Read More

3 days ago

Capital, educational assistance palalawakin ni Erap

PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling… Read More

3 days ago

Welder sinaksak ng kabaro todas

PATAY ang isang welder matapos saksakin ng kapwa welder makaraan ang mainitang pagtatalo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.… Read More

3 days ago

Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna

HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisu­long ang… Read More

3 days ago

Sunod na Speaker dapat ‘alyado’ ng Pangulo — solon

DAPAT kaalyado ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang susunod na House Speaker ng Kamara para masiguro na ang agenda sa lehis­latura… Read More

3 days ago