Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 19-anyos estudyante nasagip sa kidnappers
19-anyos estudyante nasagip sa kidnappers

19-anyos estudyante nasagip sa kidnappers

NASAGIP ng mga tau­han ng Anti-Kidnap­ping Group ng Philippine National Police (AKG-PNP) ang isang 19-anyos estudyante ng Collegio de San Juan de Letran (CSJL) makaraang kidnapin ng kanyang mga ka-frat at ipinatutubos ng P30 milyon, habang arestado ang apat suspek at tinutugis ng pulisya ang anim pang mga suspek, sa Tondo, Maynila.

Nailigtas ng mga awtoridad ang biktimang kinilalang si Denzhel Gomez, 19, estudyante ng Collegio de San Juan de Letran (CSJL), sa Intra­muros, Maynila, at residente sa Sampaloc, Maynila

Samantala, arestado at sasampahan ng kasong kidnapping for ransom ang mga suspek na sina Jhulius Atabay (CSJL), Ferdinand Dela Vega (CSJL), Ralph Emmanuel Camaya (CSJL), at Justine Mahipus (Saint Benilde), pawang college students ng iba’t ibang uniber­sidad.

READ MORE:  Dapat tratuhin ng US na magkapantay sina Obama at Duterte — PDP Laban policy chief

Tinutugis ng mga awtoridad ang kanilang mga kasamahan na sina Eriek Candava (CSJL), Gabriel Rabi (FEU), Billy Rocillo (CSJL), Arvi Velasquez (Parañaque Flying School), Miguel Austria (CSJL), at Kim Pascua (CSJL), pawang kasamahan umano sa ‘di tinukoy na fraternity ng biktima.

Base sa ulat, Dakong 9:20 pm noong 1 Agosto 2018, dinukot umano ng mga armadong suspek ang biktima sa Lawton, Ermita, Maynila.

Naglalakad ang biktim­a pauwi sa kanil­ang tahanan mula sa paaralan nang sabayan ni Atabay.

Kasunod nito, habang nag-aabang ng masa­sakyang bus ay bigla silang hinintuan ng isang puting Toyota Pregio, na ‘di naplakahan, may sakay na mga armadong lalaki na ‘di bababa sa a­nim, at puwersahan silang isinakay.

READ MORE:  Leni nagdiwang ng VP's 2nd anniv sa Basilan at Zambo

Tinalian umano ng mga suspek ang kanyang mga kamay at binalutan ng packaging tape ang kanyang bibig, ngunit hindi ginalaw si Atabay, na kalaunan ay pinak­awalan ng mga suspek.

Ayon sa ama ng bikti­ma, nagtaka sila nang hindi pa nakauuwi ang anak kaya’t tinangkang kontakin ang cellphone ngunit hindi makontak.

Kalaunan umano ay nakatanggap ang ama ng tawag mula kay Atabay, na nagbigay ng impor­masyon hinggil sa kid­napping at sinabing nang­hihingi ng P30 milyong ransom ang mga suspek.

Nagtaka umano ang ama ng biktima sa paiba-ibang pahayag ni Atabay, na sinabing nakatakas siya sa mga suspek at tin­a­wagan siya saka sina­bing kailangan ng ransom para palayain si Gomez.

Nagboluntaryo uma­no si Atabay na siya ang maghahatid ng ransom sa mga kidnapper, sanhi upang humingi ng tulong ang ama sa mga pulis.

READ MORE:  EJK cops kalaboso kay Duterte

Natukoy ng mga pulis na mastermind sa kid­napping si Atabay, kaya’t tiniktikan nila ang mga kilos hanggang masun­dan sa bahay sa 285 Nava Street, Balut, Tondo, na pinagtataguan kay Go­mez.

Agad sinalakay ng mga awtoridad ang natu­rang bahay kaya nasagip ang biktima habang nadakip ang apat suspek ngunit nakalalaya pa ang anim nilang kasabwat.

Ikinatuwiran ng mga suspek na ang naturang insidente ay bahagi la­mang umano ng initiation rites ng kanilang frat group, ngunit hindi nani­niwala ang mga awto­ridad dahil tila plana­dong-planado anila ang krimen at humihingi ng ransom ang mga suspek.

(BRIAN GEM BILASA­NO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved