Categories: News

Solons zero ‘pork barrel’ na — Rep. Castro

Share

Ang kontrobersiyal na ‘pork barrel’ na kinasang­kutan ng reyna nitong si Janet Lim Napoles at ibang mga mambabatas ay wala na aniya sa Kongreso ngayon.

Ayon kay Deputy Speaker Fredenil Castro, ang sistema ng pork barrel ay ‘lumisan’ mula nang ipinagbawal ng Korte Suprema.

Ang kapalit nito, ani Castro, ay mga proyekto mula sa iba’t ibang ahen­siya ng gobyerno kagaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ani Castro, ‘pag may kailangan ang mga kong­resista sa kanyang dis­trito, sila ay hihingi sa mga sangay ng gobyer­nong may hawak ng pon­do para rito.

Sa panahon ng pagka-presidente nina Benigno Aquino, Gloria Maca­pa­gal Arroyo na ngayon ay speaker na, panahon ni Erap Estrada at Ramos, ang mga kong­resista at mga senador ang may hawak ng pon­do ng kani­lang mga distrito at ang pasya kung saan ito ga­gastusin ay nasa kanila.

Ngayon, nagbago na ang proseso, ang pondo ng mga proyekto ay naka­laan na sa budget ng bawat departamento ng gobyerno habang gina­gawa pa lamang ang bud­get ng bawat ahensiya o sangay ng gobyerno.

Ayon sa sources sa Kamara, ang pondo ng bawat kongresista na nag­kakahalaga nang hindi kukulangin sa P70-milyon ay nakapaloob sa mga ahensiya na magsa­saga­wa ng proyekto nila.

Ang malakas umano sa ‘panginoon’ at naka­kukuha nang ‘sobra-sobra pa’ kaysa mga kasama­han nila sa Kamara.

Noong nakaraang mga administrasyon,  may mga kongresista na walang pondo, lalo na iyong mga kritiko ng administrasyon.

Ngayon, ani House Majority Leader Rolando Andaya, lahat ng kongre­sista ay may pondo para sa distrito.

“It’s not PDAF (Priority Development Assistance Fun) but a regular allocation na ang government  infrastruc­tures ay talaga namang mini-maintain ang mga kalsada, mga tulay at iba pa. Kaya kung magsasabi ka na hindi ka zero, ibig sabihin mame-maintain nang maayos ang mga kalsada because the DPWH naman ay may­roong maintenance fund ‘yan para manatiling maayos ang mga infras­tructure projects ng gobyerno sa iyong distrito,” ani Castro.

(GERRY BALDO)

Gerry Baldo

Published by
Gerry Baldo

Recent Posts

CHIKA MO, VLOG KABOG Mapapanood na simula ngayong May 30 sa FB live at soon sa YouTube

Simula ngayong May 30, Saturday at 7:00 to 8:00 pm ay isang bagong-bagong online show na “Chika Mo, Vlog Kabog”… Read More

11 hours ago

Joshua Garcia, maraming natutuhan kay Daniel Padilla

SA ACTOR’S CUE sa Extend The Love page hosted by Direk Adolf Alix, Jr., ay maraming kuwento si Joshua Garcia… Read More

11 hours ago

Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla

AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig… Read More

11 hours ago

Starstruck First Princess na si Lexi Gonzales, wish magkaroon ng teleserye

KINUMUSTA namin thru FB ang Starstruck Search First-Runner Up na si Lexi Gonzales, kung paano siya nagko-cope-up sa almost three months na pagka-quarantine… Read More

11 hours ago

Filipina na Hong Kong resident suking-suki ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong, I am Cielo Satira, a Filipina, working and residing here in Hong Kong. I believe… Read More

11 hours ago

P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)

BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan.  … Read More

11 hours ago