Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / New singer Macoy Mendoza wows audience!
New singer Macoy Mendoza wows audience!

New singer Macoy Mendoza wows audience!

GOOD looking teen singer Macoy Mendoza had his first taste of mainstream live singing when he guested in Prima Diva Billy’s Triple 7, The Concert held at Teatrino (Promenade, Greenhills) last July 7 and whew! he nailed all the three songs under the musical direction of Mr. Butch Miraflor on his baby grand piano.

“Nagkamali ako noong una. Hindi ba’t inulit ko ‘yung first line ng song?

Grabe ang nerbiyos ko at first. Pero when I’ve started singing, parang unti-unting nawala ang kaba ko and I felt comfortable na with the rest of the songs. Galing kasi ni Tito Butch, mabilis siyang umalalay sa akin. I felt so good when the audience started clapping. Thank god!” Macoy recalled.

READ MORE:  Vice Ganda, binuko ang relasyong Zanjoe Marudo at Bela Padilla

“Normal iyon sa mga baguhan. pero ang bottomline riyan ay kung marunong ba itong kumanta—kung magaling ba siya. Yes, I have so much regard for Macoy, iba ang timbre ng boses niya, distinctive. Iyan ang mga tipong sisikat talaga. He possesses elements of becoming a big star, very good voice quality, guwapo and napakabait.

“Maganda ang ugali ng bata. Obviously, maganda ang values na naituro ng doting parents niyang si Mommy Chona and Daddy Ignacio. Very supportive sa hilig ni Macoy kaya walang dahilan para hindi umarangkada sa showbiz ang batang iyan. He is determined to make it in the music industry,” says Jobert Sucaldito, producer of the said concert.

“Gustong-gusto ko ‘yung version niya ng when I was your man and all I ask. May hagod kasi siyang Bruno Mars pero may sarili siyang personality. Mapuso siyang kumanta. Kaunting panahon lang mahihinog na iyan and will carry his own torch,” says writer Bong de Leon who watched him dearly the entire show.

READ MORE:  Hiro at Barbie tandem, marami ang kinilig

“Gustong-gusto ko naman sa kanya ‘yung version niya ng stone cold. Swabeng-swabe,” ani Papa Ahwel Paz.

“I like his presence. He’s so cute, ‘yung halatang kinakabahan at first pero ‘di nakaiirita. Pero kung bumanat ng matataas na notes, mahusay. Ang lawak ng range ng voice niya,” pagmamalaki naman ng writer/radio anchor na si Ambet Nabus.

“I am working on more songs—old and new alike. Passion ko na kasi ang singing and I am praying to God na sana mabigyan ako ng chance na maging successful sa music business,” dagdag ni Macoy.

READ MORE:  Jake Zyrus, tinawag na ‘evil queen’ ang inang si Racquel

Macoy really wowed the audience during his performance. Hiyawan to the max ang audience especially the young ones. Great job, Macoy.

Anyway, Macoy is preparing for his first major concert in Teatrino on October 6, 2018. He will have a few wonderful guests in his real baptism of fire.

“I really have to sit down with Tito Butch for our line-up. Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa magiging outcome ng show. Sana makalusot ako rito. Please help me God,” Macoy crosses his fingers.

Watch out for Macoy Mendoza in the next weeks. He’s surely make a difference!

(JS)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved