Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Actor, sakal na sakal na sa aktres na sobrang selosa
Actor, sakal na sakal na sa aktres na sobrang selosa

Actor, sakal na sakal na sa aktres na sobrang selosa

SOBRANG sakal na sakal na ang isang young actor sa kanyang nobyang bagets din kung kaya’t nagdesisyon na itong makipagkalas.

Grabe raw kung magselos ang dyowa ng bagets actor, na kapag sinumpong ng paninibugho ay daig pa ang isang palengkera.

Tsika ng aming source, ”’Yung girlash na pinagseselosan niyong dyowa ng young actor, actually, co-star nila sa isang teleserye. May isang buraot na nag-send ng video niyong bagets actor at niyon ngang pinagseselosang aktres doon sa girlfriend. Hulaan mo kung anong ginawa niyong dyowa? Sinugod niya ‘yung girl sa set ng taping, ikinulong sa CR at doon tinalak-talakan! ‘Day, hitsura ng eksena noon nina Marian Rivera at Bela Padilla!”

Dahil doon ay hindi na ma-take ng bagets actor ang ugali ng dyowang kinamamatayan pa mandin niya noon, ”Eh, ikaw ba naman ang ‘di na binigyan ng kahihiyan ng dyowa mo, ‘no!”

Da who ang bagets actor at dyowa niyang nuknukan ng selosa? Itago na lang natin sila sa alyas na Michael Feliciano at Blanca Umalembong.

READ MORE:  Career sa radyo ng lady broadcaster/singer na si Pangga Ruth Abao, in na in pa rin
READ MORE:  Angelina Cruz, pang-beauty queen ang ganda

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved