Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Unli love, hiling ng dalaga ni Alma 
Unli love, hiling ng dalaga ni Alma 

Unli love, hiling ng dalaga ni Alma 

READ: Winwyn, namana ang sense of humor ng amang si Joey

TIME-TRAVEL ang kuwento ng Unli Life at bawat karakter ay may kanya-kanyang wish sa buhay na parte ng buhay nila ang gusto nilang balikan o gusto nilang puntahan.

“Ako po siguro ‘yung 70’s, sobrang colorful po ng mga outfit, ‘yung mga sayaw noong 70’s very interested ako at ‘yung history noong 70’s.  Generally ‘yun lang po talaga iyong era na ‘yun,” say ni Winwyn.

At ano naman ang kahilingan ni Winwyn kung sakaling hihiling siya ng Unli sa buhay niya.

“Unli-love (sabay tingin ng amang si Joey), ha, ha, ha. Unli-love sa buong mundo, daddy,” tumawang sabi ng aktres.

Sinagot naman ng daddy ni Winwyn ng nakatawa, “sana mawala ang Unli mo, gusto ko kasi maging Only Me.”

Samantala, bukod kina Vhong, Winwyn, at Joey, may kanya-kanyang kontribusyon sa pagpapatawa ang bawat kasama sa Unli Life na sina Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Oliero, James Caraan, Anthony Andres, Jun Urbano with special participation of Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Subayton, Epi Quizon, at Jhong Hilario.

Sa mga update ng Unli Life, puwedeng i-follow ang Regal Entertainment In.c sa Facebook, @RegalFilms sa Twitter, @RegalFilms50 sa IG at Regal Cinema channel sa You Tube.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top