Thursday , October 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gary, humataw agad ng sayaw sa YFSFK
Gary, humataw agad ng sayaw sa YFSFK

Gary, humataw agad ng sayaw sa YFSFK

READ: Regine, pinawelgahan nina Ogie, Jaya, at Janno

NOW it can be told, nitong nakaraang Sabado, July 28, muling napanood si Gary Valenciano sa Your Face Sounds Familiar Kids bilang isa sa mga hurado pagkatapos nagkaroon ng matagumpay na heart surgery at pagsugpo sa tumubong kanser.

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong kay Mr Pure Energy nang banggitin ni Billy Crawford ang pangalan nito. Isang pagpapatunay lamang kung gaano siya ka-miss sa ilang buwang pamamahinga.

The feeling is mutual ‘ika nga, ang nararamdaman nito, “Paano mo naman hindi mami-miss ang ganitong klaseng audience. Paano mo naman hindi mami-miss ang mga juror na sina Ogie Alcasid at Sharon Cuneta. It’s good to be back with all of you. Many, many other things I’ll be doing for you and with you,” pahayag ng singer.

Hindi talaga nagpa-awat si Pure Energy dahil nagpaunlak pa ito ng ilang hataw sa pagsayaw.

Babalik na rin si Gary sa ASAP at sa pagiging hurado sa It’s Showtime’s Tawag Ng Tanghalan.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top