Friday , April 26 2024

Umali bros ng N. Ecija ‘the end’ na sa politika

TINULDUKAN na ng Office of the Ombudsman ang political career ni ex-Nueva Ecija governor Aurelio “Oyie” Matias Umali dahil sa illegal na paggamit ng kanyang multi-milyong ‘pork barrel’ o Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ang nasibak na bise alkalde naman ng Caba­natuan City na si Em­manuel Anthony Umali ay sinibak at hinatulan ng ‘perpetual disquali­fica­tion’ to hold public office dahil sa anomalya sa illegal repacking ng relief goods ng Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) na ginamit sa panga­ngam­panya noong 2016.

Ang kaso ng nakata­tandang Umali ay nag-ugat sa kasong isinampa sa Ombudsman noon pang 2008.

Ito’y kaugnay sa pa­ki­kipagsabwatan umano ni Umali noong 2005 sa mga bogus na foundation at organisasyon para magpalabas ng P15 mil­yong pondo sa kanyang PDAF noong siya ay nakaupo pang congress­man ng 3rd District ng Nueva Ecija.

Nabuking ng Om­buds­­man na nakipag­ku­tsabaan ang dating gober­nador sa Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foun­da­tion Inc. (MAMFI) na natuklasang isa sa ‘bo­gus’ na foundation na ginamit ng reyna ng P10-bilyong PDAF scandal na si Janet Lim Napoles.

Sa isang memo­randum of agreement na ipinasa sa Department of Agriculture (DA), ginamit ni Umali ang MAMFI bilang partner para sa pamumudmod ng P12 milyong halaga ng liquid fertilizer, habang bene­pisaryo naman sa pagbili ng water pump na nagka­kahalaga ng mahigit P3 milyon ang grupong Sa­mahan ng mga Manininda ng Prutas sa Gabi, Inc. (SMPGI).

Bumili si Umali at ang MAMFI ng 7,920 liquid fertilizer na nagka­kahalaga ng P1,500 kada bote na mayroong suma total na P12 milyon.

Pero nabuking na ang totoong presyo sa merka­do ng mga fertilizer ay naglalaro lamang sa hala­gang P10 hanggang P150 kada bote.

Wala rin umanong totoong biniling pataba at ang ginamit na moro-morong purchasing ay Nutrigrowth Philippines na kompanya rin ni Janet Napoles.

Sinisisi rin si Umali sa maanomalyang proyekto ng co-respondent na si Renato Manantan, dating executive regional direc­tor ng DA Region 3 at iginiit na ministerial la­mang ang kanyang pag­pirma sa MOA at si Umali umano ang may pakana nito.

Lalo pang ikina­desmaya ng Ombudsman na dapat sana ay libreng ipinamudmod sa mga magsasaka ang pataba, natuklasang ibinenta pa ito sa mga magsasaka ng Gabaldon at Gen. Nati­vidad sa halagang P50 kada bote.

Huli na rin nang mala­man na ang liquid ferti­lizer ay hindi rin puw­e-deng gamitin ng mga magsasaka sa palayan dahil natuklsang pataba ito sa palaisdaan.

Ibinasura ng Om­buds­man ang motion for reconsideration ni Umali sa kasong malversation of public funds at violation of Sec. 3 ng RA 309 dahil hindi umano nakapag­labas ang dating gober­nador ng panibagong ebidensiya.

“Also none of them has shown that this Office committed errors of facts or laws or serious irregularities prejudicial to their interest,” pahayag sa denial ng MR na inilabas ng Ombudsman noong 26 Hulyo 2018.

Dahil dito, pinagtibay ng Ombudsman ang hatol kay Umali at sa ibang pang respondents na sangkot sa PDAF scam.

“Respondents Aurelio M. Umali and Renato P. Manantan are hereby adjudged guilty of Grave Misconduct, Gross Negligence of Duty and Conduct of Pejudicial to the Best Interest of the Service for which they are meted the penalty of Dis­missal from the Service with Forfeiture of  all their Retirement Benefits and perpetual disquali­fi­ca­tion to re-enter govern­ment service,” saad sa inilabas na desisyon ng Ombudsman.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *