Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / GMA tatapos ng away sa minorya — Suarez
GMA tatapos ng away sa minorya — Suarez

GMA tatapos ng away sa minorya — Suarez

READ: Suarez inilaglag ng ‘sariling boto’

SI House Speaker Gloria Macapagal Arroyo uma­no ang tatapos sa away sa kung sino ang tatayo na minorya sa Kamara.

Sa regular na press conference, sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez, ang nananatiling minority leader, nanini­wala siya na siya  ang pipiliin ni Arroyo bilang minority leader.

“At the end of the day the speaker prevails (Sa huli ang speaker ang mananaig),” ani Suarez.

READ MORE:  20% ng barangays ayaw tumulong sa pulisya (Sa ‘war on drugs’ ni Duterte)

Naniniwala rin daw siya na magsasalita na si Arroyo para lutasin ang girian sa puwesto.

Ani Suarez, talo na ang mga nangangarap na maging minorya sa Kamara.

Kinilala aniya siya sa Bicameral Conference Committee Hearing sa Coco Levy Fund Bill na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar bilang pinuno ng minorya.

READ MORE:  Palasyo tikom-bibig sa kanseladong China trip ni PNoy

Sa panig ni Rep. Al­fredo Garbin ng Ako Bicol, ang kanilang pagka­malapit kay Speaker Ar­royo ay hindi puwe­deng maging basehan para itaboy sila sa minorya.

Kung iyan daw ay ang pag-uusapan, si Ma­ri­kina Rep. Miro Quimbo daw ay malapit kay Arro­yo dahil ipinuwesto siya bilang pinuno ng Pag-ibig Fund noong panahon na presidente pa ang speaker.

READ MORE:  Thanksgiving Party ni Digong itinakda na

Ayon kay Garbin, mas marami na sila kaysa grupo ni Quimbo pagka­tapos magpahayag ng pagsanib ang 10 kongre­sista na sasama sila sa grupo ni Suarez.

Aniya magiging 26 na sila mula sa 16.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved