Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Liza kakosa ni Leila? Puwede! — Roque
Liza kakosa ni Leila? Puwede! — Roque

Liza kakosa ni Leila? Puwede! — Roque

MAGIGING kakosa ni Sen. Leila de Lima sa PNP Custodial Center si dating Gabriela party-list Rep. at ngayo’y National Anti-Poverty Commission (NAPC) Liza Maza kapag sumu­ko sa mga awto­ridad ang miyembro ng gabi­nete.

Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon matapos manawagan kay Maza na sumuko at harapin ang kasong double murder na isi­nampa laban sa kanya, may 12 taon na ang nakalilipas.

Sinabi ni Roque na hindi mabibigyan ng seguridad ng adminis­trasyon si Maza sakaling sumuko kahit bahagi siya ng opisyal na pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

READ MORE:  77 personalities sa payola ni Kerwin inasunto sa Ombudsman

“I don’t think we can give her security. But possibly, they can give her similar detention facility as what Leila de Lima has,” ani Roque.

“I do not know if they can be roommates with Leila de Lima. I don’t know if they will like each other, but similar treat­ment perhaps,” dagdag niya.

READ MORE:  Tarima para kina JPE, Bong at Jinggoy inihahanda na

Tablado rin kay Ro­que ang ideya na ma­big­yan ng legal aid si Maza.

“Siguro naman po ay hindi siya madedehado because she’s a member of the Cabinet. I do not know if we are in a position to give her legal assistance because the choice of counsel is hers ‘no. We cannot impose our will. We could recom­mend if she wants. But I don’t think the courts will violate any of her due process rights because, as you said, she’s a former lawmaker and an incumbent secretary,” sabi ni Roque.

READ MORE:  Public hearing sa mall voting kasado na — Comelec (Sa 2016 polls)

Matatandaang nag­la­­bas ng warrant of arrest ang Nueva Ecija region­al trial court sa kasong double murder laban kina Maza, dating Bayan Muna party-list repre­sen­ta­tives Satur Ocam­po at Teddy Casino at dating Anak­pawis party-list repre­sentative at Agrarian Reform Secretary Rafael Maria­no.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved