Friday , April 19 2024

Bugoy, aamin na, dahilan ng suspensiyon sa It’s Showtime

UMAMIN na si Jon Lucas na nabuntis niya ang dati ay girlfriend pa lang niyang hindi taga-showbiz,na ngayon ay asawa niya na naging dahilan para suspendihin siya sa It’s Showtime.

Nanganak na ‘yung girl noong November ng isang baby boy.

Ang isa pa sa sinuspinde sa nasabing noontime variety show ng ABS-CBN 2 ay si Bugoy Cariño, na kasamahan ni Jon sa Hashtags. Nabuntis din daw kasi ni Bugoy ang girlfriend niyang si EJ Laure, na isang varsity player ng UST.

Maraming nagtatanong, kung umamin na si Jon, aamin na rin kaya si Bugoy? Magsalita na rin kaya ang young actor, na totoong nabuntis niya ang non-showbiz girlfriend niya o magdi-deny pa rin siya?

Pero marami ang naniniwala na totoong nabuntis ni Bugoy si AJ, dahil hindi naman siya sususpindehin sa It’s Showtime gaya ni Jon, kung hindi  ito totoo. Pero kung ayaw pa ring umamin ni Bugoy, prerogative naman niya, ‘yun, ‘di ba? Irespeto na lang natin kung mananatiling tikom ang bibig niya tungkol sa isyu sa kanya.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *