Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora at Vilma, ‘di nag-iiwanan
Nora at Vilma, ‘di nag-iiwanan

Nora at Vilma, ‘di nag-iiwanan

HINDI talaga nag-iiwanan ang ‘magkaribal’ sa kasikatan noon pa man, sina Nora Aunor at Vilma Santos dahil ang balita, madalas nagkakasakit ang dalawa.

Tulad ng Star For All Seasons na talagang inabangan ang pagdating sa nakaraang Sona ni Presidente Duterte para makita ang kanyang kasuotan.  Ang balita, si Rene Salud ang gumawa ng damit at kasama pa ang make-up artist na si Dheng Foz.  

READ MORE:  Masarap maging kaibigan si Rodjun — Max

Pero ang ending, lahat ay nadesmaya dahil hindi nakarating ang Star for All Seasons dahil nilalagnat na may kasamang sipon at ubo.  Galing ito sa pagbabakasyon sa Singapore but the sad thing, sobrang init ang panahon doon.

READ MORE:  Beauty queen-turned-actress, muntik magpakamatay

Nauna naming naibalita ang pagiging masakitin dinni Nora kaya madalas na itong nako-confine sa hospital.  Ang latest, napaaga ang kanyang cut-off time ng taping na Onanay ng GMA-7.  Dati ay 10:00 p.m. pero ngayon, napaaga ito at naging 6:00 p.m. dahil ito ang payo ng kanyang doktor para maagang makapahinga.  

READ MORE:  Jodi, Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘yo (Be Careful With My Heart, tatapusin na?)

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved