Thursday , April 25 2024
Liza Soberano sexy

Liza, balik-eskuwelahan, target na makatapos ng kolehiyo

NAKATUTUWA naman si Liza Soberano. Sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career, ay binalikan pa rin niya ang pag-aaral.

Nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges for  Bachelor’s Degree in Psychology. Gusto niyang makatapos, makakuha ng dipoloma sa kolehiyo.

Sabi ni Liza, “That’s what I want the youth to learn as well, that school is very important. No matter what age you are, you can always go back to it if ever you stopped. Always give it priority because iba po talaga kapag mayroon kang diploma and you graduated. You’ll feel confidents about yourself kapag naka-graduate ka, that you have accomplished something in your life.”

Well, sana nga ay magawang pagsabayin ni Liza ang pag-aaral at kanyang showbiz career. Sana ay walang mag-suffer sa isa sa mga ito.

Sabagay, time management lang naman ang kailangan, ‘di ba?

Tungkol pa rin kay Liza, ayon sa manager niyang si Ogie Diaz, nagsu-shooting na siya ng Darna. Pero puro Narda scene pa lang ang kinukunan sa kanya, ‘yung ordinaryong tao lang siya. Wala pang kinunan na eksena, na naging Darna na siya.

Ayon pa kay Ogie, aabutin ng 40 days ang shooting ng Darna. Na ang equivalent niyon ay tatlong buwan mahigit, ‘di ba?

Masyadong mabusisi kasi ang direktor nitong si Erik Matti. Gusto nitong maganda ang kalalabasan ng bagong version ng Darna, na launching movie ni Liza, mula sa Star Cinema.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *