Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Extortion sa DOLE black ops vs Bello?
Extortion sa DOLE black ops vs Bello?

Extortion sa DOLE black ops vs Bello?

NANINIWALA si Labor Secretary Silvestre Bello III na ang bintang sa kanyang siya ay nangikil ay gawa ng mga lihim na detractors na gusto siyang masibak sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Tahasang itinanggi ni Bello ang malisyosong asunto na inihain laban sa kanya sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng isang Alice Dizon ng Kilusang Pagbabago National Movement for Change.

READ MORE:  Bye, bye Yasay

Klarong-klaro umano na lumabas ang reklamo laban sa kanya nang mag-apply siya para sa puwesto sa Ombudsman.

Sa ulat ng Rappler sinabi ni Bello, “Nangyari ‘yan noong nag-apply ako noon [sa Ombuds­man], baka gusto akong palitan [sa DOLE]. Ngayon, it happened na ganito naman, mag­kakaroon na nga ng desisyon ang JBC, maybe to [derail] my nomination,” kuwento ni Bello.

READ MORE:  Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!

Ayon kay Dizon alam umano ni Bello ang P6.8 milyong hiningi sa Azzizzah Manpower International Corporation, isang overseas Filipino worker (OFW) recruitment agency.

Ayon sa complainant, ang babaeng lumagda sa affidavit ay si resigned DOLE Undersecretary Dominador Say na siya umanong nanghihingi ng kuwarta.

Ani Bello, ang ‘pirmadong affidavit’ ay nilagdaan nang hindi ito binabasa.

Si Paras ay konektado kay PACC Commis­sioner Manny Luna sa pamamagitan ng Volunteers Against Crime and Corruption.

READ MORE:  Hoax email ng pinsan ng Pasay barangay chairman ‘ginamit’ sa black propaganda

Hayan, unti-unti nang lumilinaw ang mga tunay na pangyayari…

Abangan natin kung paano ipagtatanggol ni Bello ang kanyang sarili.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved