Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, naghahanap na ng GF
Alden, naghahanap na ng GF

Alden, naghahanap na ng GF

IDINAAN sa biro pero mukha namang seryoso si Alden Richards sa pagsasabing sana ang darating na Pasko ay hindi na maging malamig.

Marami tuloy ang nag-usyoso kung anong ‘magic’ ni Victor Magtanggol, ang karakter na ginagampanan ng aktor sa pinakabagong action-pantaserye ng GMA-7 sa paghahanap ng aktor ng makakarelasyon.

Aniya, panahon na para bigyan ng oras na makahanap ng mamahalin.

READ MORE:  Tom, ‘di naiinggit o itinuturing na karibal (Sa mga tagumpay at pagkilalang nakukuha ni Dennis)

Inamin ng 26 gulang na aktor na handa na siyang panindigan ang pakikipagrelasyon sakaling mahanap na ng babaeng magpapatibok ng kanyang puso.

Ito ay sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang pinagbibidahang GMA-7 prime time series, pagiging co-host sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga!, at pagiging bahagi ng weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Inamin din ng aktor na wala pa siyang idine-date pero hindi niya pipigilan ang sarili sakaling may mapusuan siya.

READ MORE:  Jerome, ine-enjoy si Loisa

Aniya, hindi niya isinisara ang pintuan kung ang mapipili nitong maging syota ay katulad din niyang artista.

I am also not closing my doors to be romantically involved with someone outside showbiz.”

Dagdag ni Alden, paninindigan na niya ang pagkakaroon ng GF kahit anuman ang sabihin ng mga tao.  “Kasi siyempre, buhay ko naman ito. Tayo po ang may desisyon kung anong gustong gawin sa buhay natin.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved