Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, sinopla ang basher na nagsabing user si Erich
Kris, sinopla ang basher na nagsabing user si Erich

Kris, sinopla ang basher na nagsabing user si Erich

IPINAGTANGGOL ni Kris Aquino si Erich Gonzales sa isang netizen na tinawag nitong user ang young actress.

Nag-post kasi si Kris sa kayang  Instagram  account ng picture ng kanyang dalawang anak na sina  Josh at Bimby, kasama si Erich, na kuha sa isang ospital, nang bisitahin nito si Josh na naka-confine roon.

Sa comments section, sinabi ng isang basher na “user” si Erich at ginagamit nito si Kris dahil baka mahina ang ratings ng kanyang seryeng pinagbibidahan, ang The Blood Sisters.

Ang sagot ni Kris sa basher ni Erich, ”this comment is uncalled for… tested ang friendship namin w/ @erichgg… kung may problema ka sa kanya, KAMI SUPER ang pagmamahal sa kanya. Hindi biro ang effort nya—ang lakas ng ulan, super traffic & yet dumating sya.” 

O, ‘di ba, super pagtatanggol si Kris kay Erich.

Itinuturing niya kasi itong hindi lang basta malapit na kaibigan, kundi isang anak-anakan.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top