Saturday , April 20 2024

Buy-one take-one ‘ukay-ukay’ deal — Sen. De Lima

ISINISI ng detenidong si Senadora Leila de Lima sa kasalukuyang adminis­trasyon kung bakit bu­malik sa kapang­yarihan si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa kabila ng pag­kakasang­kot sa plunder at korup­siyon.

Ayon kay De Lima, tila hinayaan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na manumbalik ang mga corrupt na opisyal sa kapangyarihan.

Kaugnay nito, tina­wag ni De Lima si Arroyo bilang “runaway winner.”

“The joke has become a self-fulfilling prophecy: the people voted Duterte, but it was Arroyo who won. This is the bargain the Filipino got, a buy-one, take-one ‘ukay-ukay’ deal,” pahayag ni De Lima.

“Never mind a legis­lative agenda that would fight poverty, spur development, and save the people from runaway inflation and rising unemployment,” ani De Lima.

“Letting Arroyo grab the speakership, with the resultant bandwagon which includes the Marco­ses, was the first order of business of the people around the President as he starts his third year in office,” dagdag ng sena­dora.

Hindi rin aniya naging maganda para sa imahen ng Pangulo ang pagkaka­antala ng State of the Nation Address dahil sa rigodon ng liderato sa Kamara.

Matatandaang pina­litan ni Arroyo si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

(CYNTHIA MARTIN)

 

About Cynthia Martin

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *