Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kita ng ILYH, umarangkada dahil sa kabi-kabilang block screenings
Kita ng ILYH, umarangkada dahil sa kabi-kabilang block screenings

Kita ng ILYH, umarangkada dahil sa kabi-kabilang block screenings

UNANG araw pa lamang ng pelikulang I Love You, Hater na ipinalabas sa mga sinehan ay kumalat na ang balitang hindi ito kumita na hindi naman ikinagulat ng netizens dahil inaasahan na itong mangyayari.  May nagsabing  gustong manood dahil kay Joshua Garcia na paborito nito. Kinakitaan ng malaking potensiyal ang aktor lalo pa, wala itong negatibong isyu mula nang pumasok sa showbiz. Si Julia Barretto naman, muli na naman sila nagkaroon ng isyu ng kanyang amang si Dennis Padilla at huwag na natin pag-usapan si Kris Aquino dahil she is an open book.

READ MORE:  Kawawang Deniece, pati vaginal discharge ay iniintriga!

Kaya lang ikinagulat namin ang post sa social media na kumita ang pelikula ng P40-M sa ikalawang araw nito sa mga sinehan. Habang ksinusulat namin ito, may nag-report sa DZRH na hindi talaga kumita ang pelikula at umamin si Kris sa kanyang Instagram na malungkot siya dahil hindi pumatok sa takilya ang kanilang pelikula.

READ MORE:  Love Book ni DJ Chacha, swak sa lahat ng ‘malikot at maharot’

May nagsabing malaking tulong ang block screenings kaya umabot sa ganoon kalaki ang kinita. Marami itong kaibigan na binili ang lahat ng tickets para sa screening.  Ang sabe, mas lalong lalaki ang kikitain sa weekend kaya lang ang magiging problema lang ay kung tuloy-tuloy  ang pag-ulan at baha sa Metro Manila.

READ MORE:  JaDine fans, nagmamarakulyo sa Yes!; KathNiel fans, gumawa ng fake cover ng Most Beautiful

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved