Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Amalia, bumubuti na ang kalagayan dahil sa matiyagang pag-aalaga ng apong si Alfonso
Amalia, bumubuti na ang kalagayan dahil sa matiyagang pag-aalaga ng apong si Alfonso

Amalia, bumubuti na ang kalagayan dahil sa matiyagang pag-aalaga ng apong si Alfonso

IILAN na lang marahil sa mga milenyal o baka wala pa nga ang maaaring nakakakilala sa dating Sampaguita star na si Amalia Fuentes. Pero tiyak na kilala siya ng kanilang mga ina’t lola.

Magandang balita tungkol sa retiradong aktres, ina ng yumaong si Liezl Martinez.

Matatandaang iginupo si Amalia (o may palayaw na Nena) ng matinding stroke ilang taon na ang nakararaan.

READ MORE:  Sunshine, kontento na basta’t kasama ang mga anak

Pero salamat sa regular na nagte-therapy sa kanya, unti-unti—ayon sa aming source—ay bumubuti na ang kanyang kalagayan.

Kung dati-rati’y sinusubuan pa siya ng kanyang apong si Alfonso (panganay sa tatlong anak nina Albert at Liezl), ngayon ay kumakain na itong mag-isa.

Kapag kumakain naman sila sa labas, bagama’t kinakailangang iupo si Amalia sa wheelchair ay ayaw na ayaw din nitong sinusubuan siya. Mag-isa rin siyang kumakain nang hindi na inaalalayan pa.

READ MORE:  Journalist, nasampolan ng kamalditahan ni Maine

May imaheng feisty o matapang si Amalia bago siya nagkasakit. Marahil, ang strength in character niyang ito ang dahilan kung bakit unti-unti’y gumaganda ang kanyang pisikal na kondisyon.

Pero higit sa lahat,” susog ng aming source, “ang kredito’y dapat mapunta kay Alfonso. Matiyaga at maasikaso ang apo niyang ‘yon. Umalis siya sa tirahan ng pamilya niya para alagaan ang Lola Nena niya (sa bahay nito sa New Manila, QC), ito’y sa kabila ng naririnig nating ‘di pagkakaunawaan ng magbiyenan (Amalia at Albert).” 

Maaaring hindi na muling makababalik sa showbiz si Amalia (baka wala na rin siyang intensiyon), pero isang magandang balita ang tungkol sa kanyang recovery.

READ MORE:  Gay TV personality, boytoy ang tawag sa baguhang model?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved