Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck
Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck

Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck

KASAMA ng mga ba­sura, nahakot ng dump truck ang bang­kay ng isang pas­lit sa loob ng isang bag sa Parañaque City, nitong Linggo.

Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa edad 2-3, naaagnas na ang katawan kaya hindi na matukoy ang kanyang kasarian,at nakasilid sa brown bag na natatakpan ng sako ng bigas.

READ MORE:  Robredo: Poe ‘di kwalipikado pagka-Filipino tinalikuran

Ayon sa ulat na natang­gap ni Southern Police District director, C/Supt. Tomas Apoli­nario, bandang 12:00 pm nang matagpuan ng mangangalakal ng ba­sura na si alyas Longlong ang naturang bag sa loob ng garbage truck, na may markings na RRB-02, habang naka­parada sa Dasa Avenue, Hon­tiveros Compound, Fourth Estate, Brgy. San Antonio ng naturang lungsod.

READ MORE:  16 lugar signal no.1 sa Bagyong Zoraida

Dali-dali niya itong inilagay sa isang plastic bag sa pag-aakalang mapakikinabangan ang laman nito. Nang buma­ba siya sa truck, agad binuksan ni Longlong ang bag at nagulat nang tumambad sa kanya ang naaagnas na bangkay ng isang paslit.

READ MORE:  Nagreklamo pinatay ni tserman sa brgy. hall

Mabilis niya itong ipina­batid sa kapwa ma­ngangalakal ng basura na si Dedith Fabia, 40, na siyang nag-ulat sa insi­dente sa Parañaque City Police.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved