Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tonz Are, hataw sa pelikula at endorsements!
Tonz Are, hataw sa pelikula at endorsements!

Tonz Are, hataw sa pelikula at endorsements!

TULOY-TULOY sa pagha­taw ang magaling na indie actor na si Tonz Are. Bukod sa kaliwa’t kanang pelikula, pati sa endorse­ments ay sunod-sunod din ang natatanggap niya. Bukod sa pelikula ay lumalabas din ngayon si Tonz sa telebisyon at teatro. Madalas siyang mapa­nood sa mga episodes ng The 700 Club Asia sa GMA-7.

Sinabi ni Tonz ang mga pinagkakaabalahang project ngayon. “My new film ako, ‘yung Rendezvous sa direksiyon ni Marvin Gabas under Knight Vision Production. Executive producer is Enouch Cruz at kasama ko po rito sina Ms. Gina Pareño, Patani Daño, Jiana Arigue, at iba pa. Ang screening po ay July 28, 2018 sa SM Aura, BGC at Aug. 11, 2018 sa SM Trece Martirez, Cavite po.

READ MORE:  “Boomga Ka Day” na si Maine Mendoza super galante sa bagong intense game sa tanghali na “BOOM”

“Ang iba ko pang movie ay Onna nina Joel Mendoza and Bong Bordones. Iyong Onna, it’s a Japanese word na ang meaning ay babae. Horror film po (siya) and I play the role of Rione, brother ng Onna played by Kristine Mangle po. Ang isa ko pang movie ay Agulu, kasama po namin dito si Janice Jurado, nanay ko po siya, Kristofer King, Pamela Ortiz, Amaya Vibal, at iba pa.

READ MORE:  Claudine, tinawag na sinungaling si Gretchen

“Ang Agulu po ay entry sa Toronto Film Festival sa Canada, ito’y sa direksiyon ni Reyno Oposa. Sobrang ganda ng istorya nito at ang daming aral po na mapupulot, lalo sa kabataan dahil about po ito sa droga.”

Kabilang naman sa bagong endorsements niya ang Prime Aesthetics, VRL Aesthetics surgery, Doctor Vincent Lao, at sa sponsor niyang Silka Soap.

Sobrang saya rin ni Tonz nang manalong Best Actor sa Starbuzz 2018 para sa Rendezvous. “Sobrang saya ko sa award na ito, halos walang mapaglagyan ang aking saya sa panibagong award na nakuha ko. Worth it lahat ng pagod namin sa movie kong Rendezvous.”

READ MORE:  Sam, personal na inimbitahan nina Manny at Jinky para sa Pacquiao-Mayweather fight!

Malapit na rin simulan ni Tonz ang pelikulang pagsa­sa­mahan nila ng award-winning actor na si Carlo Aquino mula Deo Production. Ang producer nitong si Deo Macaraig ay isang show producer at promoter sa Dubai.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved