Friday , April 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pelikula ni Ipe, suportahan kaya ni Kris?
Pelikula ni Ipe, suportahan kaya ni Kris?

Pelikula ni Ipe, suportahan kaya ni Kris?

BUKAS naman si Kris Aquino sa pag-amin na sa lahat ng mga lalaking na-link sa kanya ay tanging ang ama ni Joshua na si Philip Salvador ang kanyang pinakagusto dahil wala silang naging isyu bilang mga magulang ng kanilang anak.

Kaya naman, naisip namin na sa pagbabalik-pelikula ni Ipe sa pamamagitan ng Madilim Ang Gabi ay tutulong siya sa promosyon ng nasabing pelikula. Isa sa walong pelikulang napili para sa 2018 Pista Ng Pilikulang Pilipino ang Madilim Ang Gabi na magsisimula sa August 15 hanggang 21 at mapapanood sa buong bansa.

Nagandahan kami sa trailer ng pelikula na ipinalabas noong media launch. Kasama rito ni Ipe sina Gina Alajar at Felix Roco sa direksiyon niAdolf Alix, Jr.. Nakatitiyak kaming hahakot ito ng mga parangal sa anumang awards night sa susunod na taon at katunayan, nagkaroon na ito ng premiere night sa Toronto International Film Festival.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top