Categories: News

Wanted na rape convict nasakote

Share

NASAKOTE na ang rape con­vict na nag-viral noong Disyembre ang retrato makaraan mag-selfie habang nasa likod niya ang ilang pulis sa Laguna.

Ang suspek ay wanted dahil sa pananaksak sa ama ng kaniyang ginahasa.

Ayon sa ulat, pinaghahanap ng mga pulis si Radden Argo­mido makaraan mahatulang guilty ng korte noong 2016 sa kasong panghahalay sa isang babae sa Los Baños, Laguna, sa insidenteng naganap noong Pebrero 2013.

Nitong nakaraang Enero, pinagsasaksak ni Argomindo ang 66-anyos ama ng kaniyang hinalay.

Bago ang pananaksak, nagawa ni Argomindo na mag-selfie noong Disyembre 2017 habang nasa likod niya ang ilang pulis bagama’t wanted na siya.

Sa press briefing sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Taguig, sampal ang inabot ni Argomido nang makaharap niya ang kaniyang biktima.

Nadakip si Argomido sa construction site sa Brgy. Pacita 2 sa San Pedro, Laguna, kung saan siya nagtatrabaho.

Humingi siya ng tawad sa kaniyang mga biktima at maging sa pulisya na mistulang ipina­hiya niya sa kaniyang selfie.

Ayon sa ulat, sinabi umano ni Argomido na napagtripan lang niya na kumuha ng retrato habang nasa likod niya ang mga pulis.

Ang naturang retrato ang naging ‘lead’ ng mga pulis para matukoy ang kaniyang kinaro­roonan.

Umamin din umano ang suspek na gumagamit siya ng ilegal na droga.

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Pabukakang pagyakap ni Kathryn kay Daniel, ‘di maganda

TRENDING agad ang sor­presang pagbisita ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa Hongkong. NASA shooting ng Hello, Love, Goodbye ang aktres. Naintindahan namin si Kath kung… Read More

3 hours ago

Yassi, walang malisya ang closeness kay Coco

NAGULAT kami nang makita namin ang mga larawan at video na naka-post sa FB na nagpapakita kina Coco Martin at Yassi Pressman na magkasama sa Japan.… Read More

3 hours ago

Nadine, ‘di sabik palitan si Liza sa Darna

PARANG interesado rin naman si Nadine Lustre na gumanap na Darna, pero hindi naman siya pumopormang atat na atat na mapunta sa kanya… Read More

3 hours ago

Juday, dapat pamarisan; Yohan, ‘di pa pwede mag-social media

KAPURI-PURIang desisyon ni Judy Ann Santos na huwag muna n’yang payagan ang anak na si Yohan na magkaroon ng kahit na anong social media… Read More

3 hours ago

Baby Sixto, sagot sa dasal nina Marian at Dong

MARAMI ang natuwa nang ibahagi ni Marian Rivera ang clear photo ng kanyang anak na si Baby Sixto pero naging sanhi naman iyon ng… Read More

3 hours ago

Coco, sumabog sa galit — ‘di kabaklaan at karuwagan ang pagtahimik

IGINIIT ni Coco Martin na ang pagtahimik niya ukol sa mga ibinabatong isyu ay hindi nangangahulugang wala siyang bayag o siya ay… Read More

3 hours ago