Categories: News

Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo

Share

READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi

READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte

ITINUTURING ng Pala­syo na isang malaking hamon sa administrasyon ang pagbubuklod ng oposisyon at mga maka-kaliwang grupo na nana­nawagan sa pagpapa­talsik kay Pangu­long Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga isyung pinagkasunduan dalhin nang nabuong alyansa kontra-Duterte, ang pagtutol sa isinu­sulong na Charter Change at pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa federa­lismo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batid ng Malacañang na kailangan ang ibayong pagsusumikap upang ipabatid sa taong bayan ang kahalagahan nang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Well, sa amin po, we are dealing with the challenge squarely. Alam po namin na dapat mag-double time as far as dissemination is con­cerned. Iyong surveys po na nagsasabi na kara­mihan ayaw mag-charter change ay dahil kara­mihan ng Filipino hindi nalalaman o walang alam na sapat pagdating sa charter change,” ani Roque.

Kailangan din ani­yang ipaalam nang husto sa publiko ang mga benepisyo ng federalismo lalo sa mga lokal na pamahalaan.

“We are accepting the challenge to improve on dissemination, discuss the issue on why we need to effect the change to federalism at kung ano iyong mga benepisyo lalong-lalo sa mga lokal na pamahalaan ‘no kapag tayo po ay nagkaroon ng charter change. So sa amin po, we accept the chal­lenge,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

Rose Novenario

Published by
Rose Novenario

Recent Posts

MKP duda sa pangakong brownout-free elections ng DOE

IPINAHAYAG ng Murang Kuryente Partylist (MKP) ang kanilang pagdududa sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na maseguro na hindi… Read More

5 hours ago

2 kelot timbog sa tupada

DINAKIP ng pulisya ang dalawang lalaki matapos maaktohang nagsasagawa ng tupada sa Marilao, Bulacan kahapon. Kinilala ni P/Lt. Col. Amado… Read More

5 hours ago

Sports Personality, walang keber sa mga kasama!

KUNG sa talent ay may talent naman ang sports personality na tinutukoy natin ngayon. Ilang dekada na rin naman siya… Read More

5 hours ago

Barbie Imperial, tinatawanan lang ang kanyang detractors!

Tinawanan lang ni Barbie Imperial ang netizens na binabatikos ang kanyang panga­ngatawan, partikular na ang kanyang boobs. Nilait ng netizens… Read More

5 hours ago

Sinabotahe nga ba ang Studio 7?

The whole of Sunday ay nakapagtatakang offline sa block box ba or whatever it’s called, ng isang network. Pa’no, noon… Read More

5 hours ago

ARAL prayoridad ng Ang Probinsyano Party-list

PRAYORIDAD ng Ang Probinsyano Party-List ang pagsusulong ng programang Access Roads to all Learners (ARAL) sa pakikipag-ugnayan sa DPWH. “Ang edukasyon ay… Read More

5 hours ago