Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Immigration E-Gates sa NAIA binuksan na
Immigration E-Gates sa NAIA binuksan na

Immigration E-Gates sa NAIA binuksan na

PORMAL nang binuksan kahapon ang Electronic Gates (E-Gates) sa Terminal 1 at Terminal 3 ng NAIA.

Ang E-Gates ay magpapabilis sa proseso ng pagdaan ng mga pasahero sa loob ng 8-15 segundo kompara sa 45-second processing na isinasagawa ngayon sa immigration counters.

P340 milyones ang inilaang budget para sa E-Gates at 18 units ang inisyal na gagamitin.

Target na makapag-install pa ng 11 units para sa NAIA samantala magkakaroon din nito sa Mactan-Cebu International Airport, Kalibo, Davao maging sa Clark.

READ MORE:  Bagong mayor, bagong Sakla Queen sa Caloocan City

Nauna nang ginamit ang E-Gates sa ibang bansa at napatunayan na epektibo ito upang mapabilis ang pagdaan ng mga pasahero ganoon din ang pagsugpo sa pagdetermina ng peke o sablay na dokumento.

Gagamitin ang E-Gates sa Filipino counters samantala ang mga foreigner naman ay sa regular counters pa rin daraan para sa masusing proseso sa pagpasok at paglabas ng bansa.

READ MORE:  Bakit nga ba sa Guian E. Samar at hindi sa Tacloban ginunita ang Yolanda?

Hindi pa rin mawawalan ng kontrol sa mga pasahero ang mga immigration officer (IO) dahil pagdating sa E-Gate ay may IO na naka-monitor sa mga daraan para asistehan sila sa paggamit.

Hindi na tayo nahuhuli sa ibang bansa na may E-Gates sa immigration area.

Congrats kina BI Commissioner Jaime Morente, DepComms Toby Javier at Red Mari­ñas dahil sa kanilang efforts na gawing moder­no ang pasilidad ng Bureau maging ang pag­sugpo sa krimen ng human trafficking na kara­niwang nagiging problema dahil sa ilang pasa­way nating kababayan!

READ MORE:  Pamilya ng tatlong tauhan na natabunan pinabayaan ni Mr. Pobre?! (Sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City Illegal gold mining)

Bago matapos ang taon ay inaasahan nang makokompleto na ang instilasyon ng E-Gates sa buong bansa!

Kudos BI!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYA[email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved