Categories: Showbiz

Vice Ganda, ‘di pa nale- let-go si Terence?

Share

HINDI pa ba nale-let go ni Vice Ganda ang basket­bolistang si Terence Romero na matinding natsismis noon na nakarelasyon n’ya?

Maraming netizens ang ganoon ang kongklusyon nang mapanood nila si Vice na biglang nag-dialog kay Vhong Navarro sa It’s Showtime ng ABS-CBN 2 noong Huwebes ng tanghali, ”Kumusta presinto?”

Noong Miyerkoles kasi ng gabi, naglabasan sa news programs ang pagdadala sa isang presinto kay Terence at ilang mga kaibigan n’ya dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa isang gulo sa isang bar sa Tomas Morato Avenue, QC.

Sa ilang newscast ay ipinakitang galing sa presinto si Terence at parang buong pagmamalaking nagsasabi sa kamera na, ”Hindi ako nakulong. Hindi ako nakulong.”

Ang mga netizen mismo ang nag-text sa entertainment website ng PEP noong Huwebes ng hapon na ang basketbolista ang pinariringgan ni Vice sa misteryosong biglang-tanong n’ya kay Vhong.

Sila rin ang nag-conclude na ‘di pa nale-let go ni Vice si Terence.

Nag-dialog din si Vice kay Vhong ng, ”Hindi naman totoong nagiging magkaibigan ang ex.”

Diin pa ni Vice, ”Magkakilala lang kayo, ayos kayo, pero ‘di kayo magkaibigan.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Danny Vibas

Published by
Danny Vibas

Recent Posts

Tunay na sugo ng ‘Pagbabago’ sino sa mga naghahangad na maging Speaker sa Kamara?

KUMUKULO na sa init ang speakership race sa Kamara. Ilan sa mga matutunog na mag-aagawan sa puwesto ay sina Alan… Read More

3 hours ago

NAIA T-1 terminal head todo-suporta sa Immigration

MAGANDA ngayon ang “rapport” ng kasalukuyang terminal manager ng NAIA Terminal 1 na si Ms. Irene Montalbo sa kasalu­kuyang BI… Read More

3 hours ago

Tunay na sugo ng ‘Pagbabago’ sino sa mga naghahangad na maging Speaker sa Kamara?

KUMUKULO na sa init ang speakership race sa Kamara. Ilan sa mga matutunog na mag-aagawan sa puwesto ay sina Alan… Read More

3 hours ago

Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa

Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan… Read More

17 hours ago

Manila Water, patuloy ang aksyon para suportahan ang operasyon ng mga DOH hospitals

Patuloy ang Manila water sa pagsasagawa ng mga teknikal na solusyon upang siguraduhing sapat ang water supply na gagamitin ng… Read More

18 hours ago

P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila

TIMBOG ang 17-katao sa serye ng buy bust operation na ikinasa ng MPD Station 10 Drug Enforcement Unit. Unang naaresto… Read More

18 hours ago