Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maxine, kailangan ng space para mahalin ang sarili at mag-focus sa career
Maxine, kailangan ng space para mahalin ang sarili at mag-focus sa career

Maxine, kailangan ng space para mahalin ang sarili at mag-focus sa career

MAYO 2018 pa napabalitang hiwalay na si Maxine Medina sa kanyang pitong taong karelasyong si Marx Topacio, isang model-actor, pero muli itong nausisa sa media conference ng pelikulang Pinay Beauty (She’s No White), entry ng Quantum Films, MJM Productions, at Epic Media sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mag-uumpisa sa Agosto 15-21 at pinagbibidahan nina Chai Fonacier at Edgar Allan Guzman.

Bantulot mang magkuwento si Maxine sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni Marx, napilit din itong sagutin ang ilang mga katanungang ibinato sa kanya. Pero bago iyon ay tinanong muna ang beauty queen ukol sa kanyang pagiging aktibo sa pag-arte.

Bukod kasi sa Pinay Beauty, kasama rin ang Miss Universe-Philippines 2016 sa Kusina Kings ng Star Cinema na mapapanood na sa July 25. Siya ang love interest dito ni Empoy.

Ani Maxine, masaya siya sa mga proyektong ibinibigay sa kanya tulad nitong Pinay Beauty na makare-relate ang mga tao.

READ MORE:  British Pinay model, bagong idinedate ni Sam

“Masaya akong gumawa ng indie movie dahil new experience na naman ito sa akin,” paunang wika ni Maxine. ”Ang indie raw, correct me if I’m wrong, my freedom to act whatever it is in the script. Noong binasa ko siya, wow! Very challenging. Kaya sabi ko, ‘Lord guide me, sana magawa ko ito.’”

Sinabi ni Maxine na nakare-relate siya sa istorya ng Pinay Beauty. ”Siyempre may gusto akong iparating sa mga tao lalo na tayong mga Pinoy na gustong pumuti.It’s a problem, you can be on your own beauty.”

Hindi kasi naging problema ni Maxine ang kulay niya lalo na noong sumali siya sa Miss Universe, bagkus kinainggitan pa iyon ng iba pang kandidata.

Full time nang haharapin ni Maxine ang pag-aartista , pero nilinaw niyang hindi naman niya tinalikuran ang maraming bagay tulad ng lovelife.”Hindi naman tinalikuran. Open pa rin naman ako. Everyone needs love. Sa akin lang kasi, I just really need to focus at saka alam ko na ang priorities ko in life. Tumatanda na tayong lahat, alam naman natin kung saan tayo at kung ano ang dapat nating gawin.”

Natanong si Maxine ukol sa pinaplano na pala nila ni Marx ang pagpapakasal sa susunod na taon subalit bigla silang naghiwalay. ”Well, lahat naman kasi within one year, maraming nagbabago, siguro kailangan na rin lang namin ng space to love ourself first, to appreciate namin ang isa’t isa.”

Bagamat nagkahiwalay, hindi naman tuluyang isinasara ni Maxine ang posibilidad na magkabalikan pa sila. ”Bakit naman hindi. Pero, let’s see.”

Magkaibigan naman sila ngayon ng dating boyfriend ani Maxine at nagkaka-usap pa rin kung minsan.

READ MORE:  Sana’y bigyan pa ng break!

“A little bit, siyempre sobrang busy ko po ngayon. Siya rin sobrang busy at maraming ginagawa,” anang dalaga.

READ MORE:  Maine, wagi sa Nickelodeon Kids award

At nang tanungin kung single siya ngayon, ”Well, yes I’m single. Pero focus muna ako sa career ko. I love this (acting) eh. I love what I’m doing. So, ayun, nag-enjoy ako.”

At nang muling tanungin si Maxine kung ano ang nangyari bakit nagkahiwalay sila gayung pinaplano na pala ang kasal next year, sinabi nitong, ”Ay hindi ko po alam.”

Hindi ba siya kasamang nag-plan, susog na tanong ni Lhar Santiago”I’m not sure eh. Yeah, napag-usapan namin, pero marami talagang instance na…”

Iginiit pa ni Maxine na, walang third party sa paghihiwalay nila.

Samantala, ang Pinay Beauty (She’s No White) ay ukol sa istorya ng isang Pinay na gagawin ang lahat makamit lang ang angking kagandahan.

Pinagbibidahan din ito nina Janus del Prado, Nico Antonio, Hanna Ledesma, at Mariko Ledesma. Ito’y mula sa direksiyon ni Jay Abello.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved