Categories: News

Ipamimigay na bahay, kotse, fake news — Pacman

Share

INILINAW ni Senador Manny Pacquiao na peke ang Facebook post na nagsasabing namimigay siya ng mga bahay at sasakyan bilang balato sa kanyang pagkapanalo sa boksing.

Ayon sa bagong World Boxing Association welterweight champion, walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mami­migay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at nag-like sa account.

“Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ‘yan,” giit niya.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos niyang maagaw ang WBA welterweight title kay Lucas Matthysee sa pamamagitan ng knockout noong Linggo.

“Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po.”

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Tunay na sugo ng ‘Pagbabago’ sino sa mga naghahangad na maging Speaker sa Kamara?

KUMUKULO na sa init ang speakership race sa Kamara. Ilan sa mga matutunog na mag-aagawan sa puwesto ay sina Alan… Read More

5 hours ago

NAIA T-1 terminal head todo-suporta sa Immigration

MAGANDA ngayon ang “rapport” ng kasalukuyang terminal manager ng NAIA Terminal 1 na si Ms. Irene Montalbo sa kasalu­kuyang BI… Read More

5 hours ago

Tunay na sugo ng ‘Pagbabago’ sino sa mga naghahangad na maging Speaker sa Kamara?

KUMUKULO na sa init ang speakership race sa Kamara. Ilan sa mga matutunog na mag-aagawan sa puwesto ay sina Alan… Read More

5 hours ago

Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa

Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan… Read More

19 hours ago

Manila Water, patuloy ang aksyon para suportahan ang operasyon ng mga DOH hospitals

Patuloy ang Manila water sa pagsasagawa ng mga teknikal na solusyon upang siguraduhing sapat ang water supply na gagamitin ng… Read More

20 hours ago

P2-M shabu kompiskado, 17 katao timbog sa Maynila

TIMBOG ang 17-katao sa serye ng buy bust operation na ikinasa ng MPD Station 10 Drug Enforcement Unit. Unang naaresto… Read More

20 hours ago