Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, dapat magbalik sa paggawa ng serye
Richard, dapat magbalik sa paggawa ng serye

Richard, dapat magbalik sa paggawa ng serye

NATUWA naman kami sa narinig naming ikinokonsidera na ni Mayor Richard Gomez na muling gumawa ng pelikula. Aba, mas malaki naman ang kita niya sa isang pelikula lamang kaysa suweldo niya ng isang taon bilang mayor ng Ormoc. Pero siyempre iba ang fulfilment noong ikaw ay mayor.

Pero dapat mas maging wise si Goma. Huwag muna siyang gumawa ng pelikula kung medyo tagilid na project. Una, aminin natin napakaganda ng itinatakbo ng kanyang career bago siya nagbakasyon. Matataas ang ratings ng mga nagawa nilang serye ni Dawn Zulueta. Baka kung sumabak siya sa pelikulang tagilid ay madamay pa siya.

READ MORE:  Cacai, nagdugo ang puwet dahil sa sobrang kilig sa AlDub!

Kailangan natin ang mga mahuhusay na actor na makababatak ng tao sa mga sinehan para manood ng pelikula, kaya ang isang actor na kagaya ni Goma, aba eh hindi dapat sayangin iyan. Hindi dapat isugal ang popularidad niyan.

READ MORE:  Nadine, rarampa ng sexy!

Kung sabagay, kabisado naman ni Goma ang takbo ng industriya ng pelikula, siguro naman hindi siya magkakamali sa pamimili ng proyektong kanyang gagawin. Kung hindi naman sigurado, maganda sigurong magbalik na lang muna siya sa telebisyon, kahit na mga guestings lamang. Hindi na siya makagagawa ngayon ng serye dahil sa trabaho niya bilang isang mayor.

READ MORE:  Kontrobersiyal na personalidad, kinakalakal na ang sarili 14-anyos pa lang

Pero dapat magbalik siya sa industriya. Kulang na kulang tayo sa mahuhusay na actor.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved