Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, naluha sa pa-20 block screenings ng isang kaibigan
Kris, naluha sa pa-20 block screenings ng isang kaibigan

Kris, naluha sa pa-20 block screenings ng isang kaibigan

KAHIT nasa Hongkong si Kris Aquino ay naka-monitor pa rin siya sa kita ng pelikulang I Love You, Hater, base sa post niya nitong Linggo.

Ang mahabang caption ni Kris sa kuhang puso na may wings na may nakalagay, ‘you don’t even need to ask, I got You.’

”Warning Mahaba: hindi po ako humingi ng favors for “I love You, Hater” because at this point- ayokong ilagay ang tinuturing kong KONTI pero totoong kaibigan sa alanganin. #satruelang I was disappointed sa 1st 2 days kasi ‘di nakakahiya yung finished product & I gave all to #Sasha.

“Mostly ayokong sirain ang box office track record ng #joshlia. Then Friday, 1 by 1 nag send ng pics through iMessage & Viber lahat ng kusang nanuod, mga barkada at pamilyang sabay2 nagbayad at nanuod.

“Then today (Linggo) habang binabantayan si kuya- may friend akong simpleng nagsabi na may pa block screening sya next week; may kaibigan na nanlibre ng staff of 20 para bonding nila, may mayor na pina happy ang constituents nya, may friends na umuwing Nueva Ecija & 18 silang nanuod, companies na nagpa abot regarding how many tickets they reserved for their employees.

“A designer friend said treat n’ya lahat ng workers nya to watch tomorrow (kahapon), a PR company KCAP works with reserved 4 block screenings. 2 big bosses messaged last night to say they made time to watch. More friends & companies bought block screenings but their marketing bosses watched today w/ their families.

“Tapos dito ko naluha- 1 exceptional true friend simply messaged me- she bought 20 block screenings for her workers & their families in SM Cinemas next week. Di ako makapag SHARE ng lahat ng PAIN na tinago ko mula July 6 hanggang ngayon – dahil hindi lahat ng battles I fight you need to know (this time not for the Aquino name but for simply my name & copyrighted/trademarked signature KRIS) itinago dahil pinromise kay God at sa mga lawyers na shut up muna ako.

“Pero sa lahat ng nagparamdam na nasaan man ako nakatayo- my whole HEART says THANK YOU for making me feel #loved. (Lastly publicly nag so-sorry ako sa core group ng fans ko- the #KrisyGirls. Hard earned money ‘yung pinang block-screening nila nu’ng Thu 3 PM, pero 160/105 ang BP ko- palipad nu’ng gabi. Marami akong nabasang (Heartcache) statements sa group chat namin- ibang paratang tagos sa buto ‘yung sakit. Nagpunta si kuya & bimb pero wala ako. Nanay ako kaya nag delete ng mesenger kasi panahon na lang ang makaka solve ng mutual pain namin.)”

Samantala, nagbigay din ng update si Kris sa kalagayan ng panganay,

READ MORE:  Direk Cathy, tiniyak: KathNiel, may ibubuga at tatawaging aktor
READ MORE:  Daniel, tinanggap ang puna ni Richard (Sa mala-karaokeng pagkanta)

“Thank you to all of you who shared prayers for my panganay. He woke up 9 AM still hiccuping. I found out from Bincai & Gerbel he’d been watching on YouTube the procedures he’ll have done for his checkup (endoscopy, colonoscopy, bloodworks, etc) and our doctor said most likely the hiccups were a manifestation of an anxiety attack.

“I followed Dr. Oz & made him drink water with his chest on his knees & then I let sugar dissolve on his tongue. Then I gave him a mild sedative & now watching over him finally sleep. Our doctor said, soon as we get home we go directly to the hospital for admittance.  I’m learning to focus on the positive- isang gising kay Bimb kanina, shower agad & ready to shoot. All I could say was THANK YOU. He said- “of course mama because kuya needs you.” Super blessed w/ these 2 sons. #family.”

Anyway, kung hindi magbabago ang plano ay ngayong gabi na ang uwi nina Kris, Josh, at Bimby kasama angKCAP team galing Hongkong.

READ MORE:  Golden Girl at Brave One, espesyal na tawagan ng JoshLia

Sa kabilang banda, habang isinusulat namin ito’y nasa P40-M na ang kita ng I Love You Hater.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved