Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chakra ritual ni Mommy D, agaw-pansin sa laban ni Pacman
Chakra ritual ni Mommy D, agaw-pansin sa laban ni Pacman

Chakra ritual ni Mommy D, agaw-pansin sa laban ni Pacman

LAKAS ng Chakra ni Mommy D,” ito ang caption ng ipinadalang video sa amin tungkol kay Mommy Dionisia Pacquiao na umuusal ng panalangin habang nakikipag-boksing ang anak niyang si Senador Manny Pacquiaolaban kay Lucas Matthysse nitong Linggo, Hulyo 15.

Halos katabi ni Mommy D ang kumuha ng video habang may hawak na rosaryo at papel habang may binibigkas na hindi maintindihan ng mga katabi.

Ang Chakra ay isang Indian ritual.

As of this writing ay umabot na sa 5.8-M views at 134, 131 shares.

Naaliw kaming basahin ang mga komento dahil may kanya-kanyang intepretasyon pero iisa naman ang sinasabi ng karamihan, ”The power of prayer, Amen.”

May matabil naman ang dilang nagsabing, ”kinulam ni mommy D kalaban kaya nanalo, waaah.”

Naagaw ni Senator Manny ang WBA Welterweigh title ni Matthysse na anim na buwan palang hawak dahil pinabagsak na niya kaagad sa round 7.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top