Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joshua at Bimby, greatest achievement ni Kris
Joshua at Bimby, greatest achievement ni Kris

Joshua at Bimby, greatest achievement ni Kris

NOONG Martes, July 10, ang 13th wedding anniversary sana ng dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap.

Ikinasal ang dalawa sa pamamagitan ng isang civil wedding, na ginanap sa bahay ng dating business manager ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ng message si Kris ng paggunita sa ­naganap na pag-iisang dibdib nila ni James noong July 10, 2005.

READ MORE:  Bing, naantig ang puso sa kuwento ng mga may HIV at AIDS

Sabi ng TV host-actress, “13 years ago today we made a commitment. BUT fate took us in different directions. Yet together we produced 1 of my 2 greatest achievements aka BIMB…”

Sa huling bahagi  ng post ng  TV host-actress, nagpaabot siya ng mensahe para sa dating mister at sa bagong pamilya nito.

READ MORE:  Mahirap, nabawasan na ng isa — Ryzza to Mike

“I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness.”

Base sa kanyang ginamit na tags, tila ginawa ito ni Kris para sa anak nila ni James na si Bimby: “anythingand­everythingf ormybunso” at “#peaceinmyheart.”

READ MORE:  Meralco Advisory, 4 na taon nang naghahatid ng impormasyon

Kalakip ng mensahe niyang ito ang sumunod na quote cards: “She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist. PEACE in our hearts, in our home, in our world.”

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved