Friday , January 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Richard, nakipag-meeting sa Star Cinema; paggawa ng pelikula, inihahanda na
Richard, nakipag-meeting sa Star Cinema; paggawa ng pelikula, inihahanda na

Richard, nakipag-meeting sa Star Cinema; paggawa ng pelikula, inihahanda na

HINDI na ngayon napapanood sa pelikula at serye si Ormoc Mayor Richard Gomez, ‘yun ay dahil busy siya sa pagiging mayor ng kanilang lungsod.

“As a mayor, I have to be in Ormoc, most of the time. Kaya na-set aside ‘yung paggawa ng movie, ng TV show. Nami-miss ko na rin naman ang umarte ulit, kaya lang siyempre, priority ko ‘yung mga constituent ko sa Ormoc,” sabi ni Mayor Richard nang makausap namin siya sa launching ng gadget na AED (Automated External Defibrillator) na  siya ang spokesperson.

READ MORE:  Kyline, lumalaban ng acting kay Carmina

Ang paggamit ng AED ay may malaking maitutulong sa pagliligtas ng buhay dahil mahalagang ma-stabilize muna ang pasyente lalo na kung hindi agad madadala sa ospital at walang rescuer.

READ MORE:  Concert ni singer-aktres, ‘di pinaghandaan

Kung gagawa ulit siya ng pelikula, may posibilidad ba na muli silang gumawa together ng dati niyang nakarelasyong si Sharon Cuneta?

“Actually, I have a meeting tonight with Star Cinema, hindi ko lang alam kung ano ‘yung ipi-present nila sa akin. Pero kung ano man ‘yun, kung movie ba ‘yun with Sharon, I’ll let you know right away. Of course, I’m looking forward to be working with her again.”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top