Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / PAGASA bukas sa konsultasyon
PAGASA bukas sa konsultasyon

PAGASA bukas sa konsultasyon

INIHAYAG ng PAGASA na bukas sila sa konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa suspensiyon ng klase tuwing masama ang panahon.

Ayon kay weather fore­caster Ariel Rojas, sumusunod ang PAGASA sa Executive Order No. 66 na nagsasaad kung aling antas sa paaralan ang sususpendehin ang klase base sa storm warning signal.

Awtomatikong suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten sa mga pribado at pampublikong paaralan kapag nakataas ang Signal Number 1.

READ MORE:  Mar nahabol na si Poe at VP

Kapag itinaas ang Signal Number 2, awtomatikong sus­pendido ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan.

Habang kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan oras na itaas ang Signal Number 3.

Ngunit kung walang naka­taas na storm signal at inaa­sahan ang masamang panahon, nakasalalay sa local government units ang desisyon sa suspen­siyon ng klase. Gayonman, inire­rekomenda ng PAGASA ang konsultasyon sa kanila at sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa magiging lagay ng panahon.

READ MORE:  Kritiko ng PCOS nananaginip nang gising — Comelec official

Bukas umano ang kanilang opisina ano mang oras para sa mga tanong tungkol sa lagay ng panahon.

Nagsuspende ng klase ang ilang mga lokal na pamahalaan sa iba’t ibang siyudad at lala­wigan nitong Lunes at Martes dahil sa inaasahang sama ng panahon dulot ng habagat.

READ MORE:  48 katao sugatan sa tumagilid na bus

Nitong Martes ng hapon ay naka­labas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bag­yong “Gardo” na nakaapekto sa umiiral na habagat na nagdala ng pag-ulan sa ilang baha­gi ng bansa.

Ayon sa PAG­ASA, maa­aring mag­­karoon ng dalawa hang­gang apat na bagyo nga­yong Hulyo.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved