Tuesday , September 23 2025

DOLE inupakan sa Kamara sa kawalan ng pangil vs PLDT

INUPAKAN ng mga kongresista ang Depart­ment of Labor and Employ­ment (DOLE) dahil sa kawalan ng pangil upang ipatupad ang direktiba na bayaran ng P51-milyon ang mga biktima ng “labor-only” contracting upang gawing regular ang mga mang­gagawa.

Ayon kay ACT Tea­chers Rep. Antonio Tinio malinaw ang desisyon ng DOLE na dapat sundin ng PLDT (Philippine Long Distance Telephone Co).

“So, una na ‘yung pagbabayad ng P51 milyon sa mga naging bik­tima ng labor-only con­tracting na pinaki­na­bangan ng PLDT,” ani Tinio.

“Pangalawa, ‘yung pag-regular sa kanila hindi ‘yung pagpapanatili bilang agency.”

Sa panig ni ACT Teachers Rep. France Castro dapat aniya lag­yan ng ngipin ang kau­tusan ni Secretary Sil­vestre Bello.

“Bola na ito ng gob­yerno partikular ng DOLE, lagyan niya ng ngi­pin at pangil ‘yung kan­yang kautusan para rito sa mga kompanya. Act­ually, hindi lang PLDT ‘yan,” ani Castro.

Napabalita na mahi­git 7,000 empleyado ng PLDT ang tinanggal ng management.

Para kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, mabait pa ang mga empleyado ng PLDT.

“Kasalukuyang nag-camp out sila ngayon sa PLDT. Gusto nilang sabihin at ipaabot ngayon ang kanilang kalagayan. In fact, maganda pa ang sinasabi ng mga mang­gagawa na ilalaban nila ang regularisasyon,” ani Brosas.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …