Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019
Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte

BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naapro­bahan ang Federal Con­stitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing tran­sition leader.

Ayon kay Presi­dential Spokesman Har­ry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabi­nete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto.

Sinabi ni Roque, sa pagsisimula ng regular cabinet meeting sa Palasyo kahapon, inianun­siyo ng Pangulo na pinu­long niya ang Consulta­tive Committee na bagu­hin ang nakasaad sa transitory provision ng draft federal constitution.

Ayon sa Pangulo, dapat ay ihalal ang mag­sisilbing transition leaders kapag naaproba­han ang federal form of govern­ment.

Tiwala aniya ang Pangulo na maipapasa ito sa 2019.

Ginawa aniya ng Pangulo ang panukalang ihalal ang transition leaders para mawala ang suspetsa na mayroon siyang ibang binabalak kaya isinusulong ang charter change.

ni Rose Novenario

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved