Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tim-Amaya loveteam Inaabangan na sa advocacy short film na “Siyam na Buwan”
Tim-Amaya loveteam Inaabangan na sa advocacy short film na “Siyam na Buwan”

Tim-Amaya loveteam Inaabangan na sa advocacy short film na “Siyam na Buwan”

NGAYONG tapos na ang shooting ng “Siyam Na Buwan” na isang advocacy film na tumatalakay sa young pregnancy at pinagbibidahan ng loveteam sa pelikula na sina Amaya Vibal at Tim Rvero. Inaabangan na ng fans ng magkapareha na mapanood ito lalo’y kapupulutan nila ng aral at kinikilig sila sa kanilang mga idolo na parte rin ng ibang pelikula ng filmmaker at independent movie producer na si Direk Reyno Oposa under his Ro’s Film Production. Hindi lang naman kasi gwapo at maganda sina Tim at Amaya kundi pareho pang marunong umarte ang dalawa na bentahe nila upang mapansin sa industriya ng showbiz. Isasali pala ni Direk Reyno sa ilang local and international film festivals ang 9 Na Buwan ganoon na rin ang Bulong at iso-shoot nila ngayong July 21 na LUIB/BETRAYAL na tatlo sa kanyang mga artista ay sina Janice Jurado, Amaya Vibal, Zac Garcia at ang sister ni Direk Reyno na produkto ng PETA Theater Arts na si Celia Castillo na isa ring aspiring indie actress. Bago matapos ang taong ito ay plano ring gawin ng kaibigan naming director(Oposa) ang Kumadrona, Binhi at Liham Para Kay Sol na nakaiintriga ang istorya.  Aabutin ng almost 1 million ang gagastusin ng naturang director sa kanyang 7 featured films.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved